Monday , May 20 2024

Koordinasyon ng Iraqi Embassy malaking tulong sa PH — DFA

MALAKI ang papel ng Iraqi Embassy sa Maynila sa nagpapatuloy na repatriation ng mga Filipino sa Iraq, ito ang inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Ayon sa DFA, sa pakikipagtulungan ng naturang Embahada, napabibilis ang proseso sa pagpapauwi sa ating mga kababayang naiipit sa kaguluhan sa Middle East o Gitnang Silangan.

Nitong Miyerkoles, tagumpay na nakauwi sa bansa ang unang batch ng repatriated Filipinos na binubuo ng 11 nakatatanda at dalawang bata.

Nauna rito, napaulat na hinarang ng mga Iraqi immigration officers ang siyam sa kanila dahil sa hinalang ilegal ang kanilang visa.

Nagpapatuloy ang pagpoproseso ng ahen­siya sa repatriation ng mga Filipino mula sa Iraq at Iran. (JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Arrest Posas Handcuff

Gunrunner nasakote sa submachine gun

DINAKIP ng mga operatiba ng  Quezon City Police District (QCPD) ang isang gunrunner makaraang makompiskahan …

Groundbreaking ng Level III regional hospital hudyat ng pag-asa para sa Lagunenses

Groundbreaking ng Level III regional hospital hudyat ng pag-asa para sa Lagunenses

PARA higit na makapagbigay ng kalidad na serbisyong medikal sa mga Lagunenses, sinimulan nang itayo …

DANIEL FERNANDO Bulacan

 Fernando determinadong tuparin ang pangako sa bawas trapiko at ligtas na komunidad

Determinado si Gobernador Daniel R. Fernando na tuparin ang kanyang pangako na bawasan ang trapiko …

4 drug trader tiklo sa Bataan buybust

4 drug trader tiklo sa Bataan buybust

NASAKOTE ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bataan Provincial Office ang isang …

Kolektor ng pautang hinoldap sa palengke, binoga ng riding-in-tandem

Kolektor ng pautang hinoldap sa palengke, binoga ng riding-in-tandem

DEAD-ON-THE-SPOT ang isang ginang na sakay ng tricycle matapos holdapin at barilin ng mga lalaking …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *