Thursday , December 19 2024

2 BIFF member timbog, sangkap ng pampasabog nakompiska sa Maynila

BAGSAK ang tatlong gulong ng isang sports utility vehicle (SUV) dahil sa tama ng bala lulan ang dalawang nadakip na hinihinlang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) na nakompiskahan ng sangkap na pampasa­bog, sa isinagawang ope­rasyon ng mga tauhan ng  National Capital Region Police Office – Regional Special Operation Unit (NCRPO-RSOU) sa lungsod ng Maynila, kamakalawa ng hapon.

Sa ulat ng Manila Police District (MPD), kinilala ang mga suspek na sina Remedios Villojan Habin, 52 anyos, at Alvin Gadin, 32, driver, residente sa Block 4, Lot 1 A Duhat St., Daimar Homes Manuel IV, Pamplo­na, Las Piñas City.

Nabatid sa inisyal na pagsisiyasat ng  Manila Police District – General Assignment and Inves­tigation Section (MPD-GAIS), naganap ang operasyon ng NCRPO-RSOU dakong 3:15 pm sa kahabaan ng United Nations Ave., malapit sa panulukan ng M. Gandhi St., sa Paco, Maynila.

Nakatanggap ng tawag ang MPD dakong 3:30 pm tungkol sa putukan sa nasabing lugar at nang puntahan ay inabutan sa crime scene ang isang abandonadong light brown na Toyota Fortuner, may plakang MZO 697, flat ang mga gulong na sinasabing pinagbabaril ng mga operatiba ng RSOU upang hindi na makatakas ang suspek na subject ng operasyon.

Kaagad nagresponde ang Explosive Ordnance Division (EOD) ng MPD dahil sa nakitang mga pampa­sabog sa loob ng sasakyan.

Mula sa pinangyarihan ay dinala sa open ground ng Luneta Park ang sasakyan upang subukang i-detonate ngunit hindi nagawa dahil nagkataong may aktibidad nang oras na iyon para sa inspeksiyon at preparasyon sa Traslacion ng Itim na Nazareno, kaya ibinalik sa UN Ave., ang sasakyan.

Ilang oras makalipas ang operasyon, dinala ng mga operatiba ang dalawang naarestong suspek sa RSOU office, at ibinalik sa MPD para sa pagsasampa ng kasong illegal posses­sion of explosives.

Sa pahayag ni MPD Spokesperson P/Lt. Col. Carlo Manuel Magno, itinang­gi niyang hindi banta sa nalalapit na Traslacion 2020 ang insidente.

Nabatid, ang cellphone number ng naarestong driver na nakompiska  ay konektado umano sa mga suspek sa Marawi Seige.

(BRIAN BILASANO)

About Brian Bilasano

Check Also

Honey Lacuna PBBM Bongbong Marcos Manila mackerel

Mula kina PBMM at Mayor Lacuna
Kompiskado, ismagel na mackerel ipinagkaloob sa mga residente ng BASECO at Tondo sa Maynila

PINANGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna – …

Bulacan Police PNP

Anti-crime raid ikinasa sa Bulacan; 15 pugante, 4 tulak timbog

NASAKOTE ang may kabuuang 19 mga indibidwal, kung saan 15 ang mga wanted person at …

ASIN Center Salt Innovation for a Better Future

ASIN Center: Salt Innovation for a Better Future

DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang together with DOST 1 Regional Director, …

121324 Hataw Frontpage

Zamboanga jamborette ipinatigil
3 BOY SCOUTS NAKORYENTE SA TENT PATAY
10 sugatan naospital

HATAW News Team TATLONG miyembro ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) ang namatay sa …

121324 Hataw Frontpage

Disqualified si Marcy Teodoro — Comelec

IDINEKLARANG diskalipikado at hindi na maaaring tumakbo bilang kinatawan ng Unang Distrito ng Marikina si …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *