Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead gun police

Bangkay ng kelot may 2 tama ng bala sa ulo

DALAWANG bala ng baril ang tumapos sa buhay ng lalaking na­tag­­puang nakatali ang mga kamay sa Quezon City, nitong Lunes ng  mada-ling araw.

Sa ulat kay Quezon City Police District (QC-PD) Director, P/BGen. Ronnie Montejo, kinilala ang biktima sa pama-magitan ng PhilHealth ID na naku­ha sa kanya na si Rommel Fajutag, nasa hustong gulang, resi­dente sa Gawad Kalinga, Happy Land, Vitas, Tondo, Maynila.

Sa imbestigasyon ni P/MSgt. Roldan Cor­nejo ng Criminal ­tigation and Detection Unit (CIDU), natagpuan ang bangkay ni Fajutag, dakong 1:30 am, kahapon sa Araneta Avenue,  Brgy. Doña Imelda, Quezon City.

Sa rekord ng Galas Police Station 11, isang tawag ang natanggap nila mula sa isang con-cerned citizen tungkol sa isang duguang lalaki sa lugar. Agad nagresponde ang mga pulis, at tumam-­bad ang bangkay ng bik-tima na nakatali ang dala-wang kamay at may dala-wang tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa ulo.

Sa imbestigasyon ng pulisya, posibleng doon binaril ang biktima dahil may dalawang basyo ng bala na nakuha ang SOCO team na pinamu­munuan ni P/Lt. John Agtarap sa lugar. Noong 23 Dis-yembre, may natagpuan din bangkay ng lalaki na may tama ng bala sa ulo at nakatali ang mga kamay at paa, apat na metro ang layo mula sa kinatagpuan kay Fajutag.

(A. DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …