Monday , December 23 2024

Sa pagpatay ng US kay Soleimani… China, Russia makikinabang — Joma Sison

PABOR sa China at Russia sa pagpaslang ng Amerika kay Iranian General Qassem Solei­mani at mga kasama niyang mga opisyal ng Iran at Iraq sa Baghdad airport kamakailan.

Ito ang inihayag ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Ma. Sison sa isang kala­tas.

Aniya, ang mga bansa sa Gitnang Silangan na kinondena ang ‘multiple murder’ na iniutos ni US President Donald Trump laban sa grupo ni Solei­mani ay tiyak na hihingi ng suporta sa China at Russia.

Maghuhudyat aniya ito nang tuluyang pag­bag­sak ng US imperia­lism.

Paliwanag ni Sison, bukod sa multiple murder, ang hayagang pagyayabang ni Trump na siya ang nag-utos ng pagpatay kay Soleimani at mga kasama ay paglabag sa international law dahil sa paggamit ng dahas laban sa soberanya ng Iraq at Iran.

Labag din aniya sa batas ang Amerika ang ginawa ni Trump dahil ipinagbabawal ang paglulunsad ng “aggressive act” nang walang deklarasyon ng giyera na awtorisado ng US Congress.

“As the No. 1 terrorist in world history and contemporary times, US imperialism has com­mitted acts of aggression, destroying the lives and properties of millions of people, even without the formal declaration of war. Imperialist aggression is the worst kind of terrorism which the people suffer and abhor,” ani Sison.

Taliwas aniya sa pagbabansag ng mga kakampi ni Trump na terorista si Soleimani, ang Iranian general ay kilalang master strategist laban sa mga teroristang grupo gaya ng Islamic State in Iraq and Syria (ISIS), Al Nusra at Al Qaeda na ginamit ng US at Israel para sakupin ang Iraq, Iran at Syria.

Naniniwala si Sison na ang ginawa ni Trump ay bilang pantakip sa kina­ka­harap na impeachment at upang manalo sa darating na presidential elections.

“In committing his criminal act, Trump is short-sightedly motivated by his selfish desire to overcome his current impeachment and to win the next presidential elections through warmongering and arousing the jingoistic sentiments that favor US imperialism,” ani Sison.

Ang “criminal act” ni Trump, giit ni Sison, ay magreresulta ng pagka­wala ng trilyong dolyares sa gastusing militar at lalong pagkabaon sa utang ng Amerika.

“In accordance with its own original intent, US imperialism will commit further terrorist acts of aggression as in the Middle East. It will continue to lose trillions of dollars in military expen­ditures without being able to expand stable eco­nomic territory. The US public debt will increase at an accelerated rate even as the US military industrial com­plex profits,”  dagdag ni Sison.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *