Friday , June 5 2026

Culion, a must see movie

NAKALULUNGKOT pero masarap mapanood ang pelikulang Culion dahil ipinaaalala sa atin na may isang isla ng mga buhay na patay. Mga taong pinagkaitan ng pagmamahal, ikinahiya, pinandirihan, at itinakwil.

Sila ang mga Filipinong nagkasakit ng ketong na itinapon sa isla ng Culion. Isang dagdag-kaalaman ang pelikulang ito na idinirehe ni Alvin Yapan na isinulat ni Ricky Lee at pinagbibidahan nina Iza CalzadoJasmine Curtis-Smith, at Meryll Soriano. Kaalaman para sa mga hindi nakaalam na may ganitong isla, na ganoon pala karami ang naapektuhan ng sakit na iyon, na ganoon ang naging pagtrabaho sa kanila noon.

Naikukuwento na ito sa akin ng aking lola noon kaya naman interesado akong mapanood ang pelikulang ito.

Ipinakita nina Anna (Iza), Doris (Jasmine), at Ditas (Meryll) ang ilang kuwentong magpapa-antig ng ating damdamin. Si Anna na nagmahal at nagkaanak; si Doris na isang guro na nagkaroon ng isang malaking trahedya sa buhay; at si Ditas na nalayo sa minamahal.

As usual, nanggulat si John Lloyd Cruz na bagamat walang dialogue, pinalakpakan ng audience. Ilang minutong pagpapakita iyon sa actor na muling pinatunayan kung gaano pa rin kahusay umarte. John Lloyd is John Lloyd talaga! Napakahusay.

Tama ang tinuran ni Meryll, na mahalaga ang papel ni Lloydie lalo sa buhay ni Ditas.

Itinuring mang malas ang pagkakaroon ng ketong dahil sa pagkakalayo nila sa kanilang mga minamahal, iyon naman ang naging daan para hindi sila galawin ng mga Hapon. Kaya suwerte pa rin dahil sila ang naging kublihan ng mga walang sakit na ketong.

A must see movie ang Culion ngayong Metro Manila Film Festival na bahagi ng ating kasaysayan at Graded A ng Cinema Evaluation Board.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Isha Ponti

Isha Ponti walang isyu sa taguring Asia’s Pop Sweetheart 

HARD TALKni Pilar Mateo ANG tanong ko sa kanya kung ano ang likas sa isang Isha …

Joel Lamangan Vean Cancino Olmedo

Joel Lamangan nabighani sa ganda at galing ni Vean Cancino Olmedo

HARD TALKni Pilar Mateo DALAWANG Sabadong nagsilbing hurado sa pagtatanghal ng mga bagong sumabak sa …

Alfred Vargas Yasmine Espiritu-Vargas

 Alfred at Yasmine umapela: mga ebidensiya binalewala

UMAPELA ang mag-asawang Alfred Vargas at Yasmine sa Manila Prosecutors’ Office na suriing muli ang resolusyong nagbabasura sa isinampa …

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …