Thursday , December 26 2024

17,000 ANGKAS bikers ‘jobless’… Iregularidad sa LTFRB ruling, umalingasaw

SUMINGAW ang iregu­la­ridad sa proseso ng bagong Technical Working Group para sa motorcycle taxi na naging daan sa pagpapalabas ng kautusan na nagta­tanggal sa trabaho sa 17,000 Angkas drivers simula ngayong Kapas­kuhan. 

Mariing kinondena kahapon ni George Royeca, Chief Transport Advocate ng Angkas, ang umano’y hindi patas at hindi makatarungang ruling na nilagdaan ng bagong Technical Working Group (TWG) head na si retired General Antonio Gardiola dahil taliwas umano ito sa sinasabing pagsusulong ng kompetisyon.

“Hindi ito pagsu­sulong ng kompetisyon. Sa katunayan, ito ay anti-competition upang pu­wersahin ang ating bikers na umalis sa Angkas. Hindi rin ito isang uri ng regulasyon, kundi korup­siyon,” matapang na pahayag ni Royeca.

Sa bagong rekomen­dasyon ng bagong TWG, matatanggal sa trabaho ang 17,000 Angkas bikers dahil sa inilabas na 10,000 cap bawat motorcycle taxi company, kabilang ang ANGKAS.

Inisa-isa rin ni Royeca ang umano’y kawalan ng transparency sa naging proseso ng bagong TWG, kabilang ang umano’y pagtanggal sa orihinal na miyembro ng TWG na kinabibilangan ng civil society members, tran­sport experts at ad­vocates, Highway Patrol Group, MMDA at maging Senado at Kongreso.

Imbes ang bagong TWG ay binubuo na lamang ngayon ng mga ahensiyang pawang nasa ilalim ng Department of Transportation (DOTr).

“Sa pagpasok sa pilot run na ito, ang Angkas ay may 27,000 bikers na matapat na naglilingkod sa publiko simula pa noong 2017. Sila ay mga beterano, magagaling na bayaning matagal n’yo nang pinagkakatiwalaang itawid kayo sa pang-araw-araw na pre­huwisyo ng buhol-buhol at masikip na traffic,” ani Royeca.

Dahil kulang pa rin ang 27,000 upang ma­tum­basan ang malaking pangangailangan ng mga commuter, nauna nang humiling ang Angkas na payagan silang mag­dagdag ng trained bikers ngunit imbes ito ang mangyari ay mababa­wasan pa sila ng 17,000 bikers sa ipinalabas na LTFRB ruling.

Dahil dito, sinabi ni Royeca na hindi lamang nalagay sa alanganin ang kalidad ng serbisyo na kanilang ipinagkakaloob, naging malabo rin ang kinabukasan ng 17,000 pamilya ng mga mata­tang­gal na bikers.

“Pabigat nang pabigat ang trapiko araw-araw at parami nang parami ang commuter na kailangan namin pagling­kuran. Kaya, bakit kai­langang bawasan at tanggalan ng trabaho ang mga bikers natin?” pansin ni Royeca.

“Bakit kailangan paru­sahan ang bikers na nakapag-training at napa­tunayan na ang galing sa daan?” emo­syo­nal na pahayag ni Royeca.

Ayon kay Royeca, halatang minadali ang desisyong ito ni Gardiola at ng LTFRB.

“Ilang taon ang ginuguol ng Angkas upang ma-develop ang aming backend at plat­form at upang mahigpit na sanayin ang ating bikers ngunit ang bagong TWG ay nagbigay lamang ng tatlong buwang pri­bilehiyo sa bagong players at agad na pinapapasok, himutok ni Royeca.

Hindi rin umano transparent ang decision-making process ng bagong TWG.

“Bakit palihim? Bakit may mga secret meeting? May mga itinatago ba kayo?” dagdag niya.

Nauna rito, bumuhos sa daan kahapon ang may 30,000 Angkas bikers, transport and safety advocates at maging mga apektadong commuter upang mag-protesta sa bagong kautusan ng LTFRB.

Nauna nang kinuwes­tiyon ni Senador Grace Poe, chair ng Senate Committee on Public Services, ang kakulangan ng transparency sa pro­seso ng TWG at LTFRB.

“Nais nating mala­man ang mga paman­tayan at parametro na ginamit ng TWG sa kanilang pagpapasya,” pahayag ni Poe.

“Ano ang batayan ng 30,000 bikers cap para sa Metro Manila at 9,000 para sa Cebu, na hahatiin nang pantay-pantay sa tatlong operator? Paano ang kasalukuyang bikers na lagpas sa alokasyon ng kanilang kompaniya?” dagdag ng Senadora.

Sinabi ni Sen. Ralph Recto na bagamat ma­gan­da ang kompetisyon, hindi ito dapat maka­sagasa sa mga taong matapat na naninilibihan sa nasabing industriya.

Ayon kay Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon, mag­papatawag siya ng pagdinig upang maim­bes­tigahan ang mga isini­walat na iregu­laridad.

Idinaan sa social media ng commuters ang kanilang himutok sa LTFRB dahil sa pag­babawas sa bilang ng Angkas bikers. Naging worldwide trending topic ang #SaveAngkas noong Sabado, patunay kung gaano karaming commu­ters ang maaapektohan ng bagong LTFRB ruling.

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *