Saturday , May 18 2024

Aga, sure-winner na bilang best actor sa MMFF 2019

IISA ang sinasabi ng mga nakapanood ng advance screening for the press ng Miracle in Cell No 7 kamakailan na ginawa sa VIP Parkway, ‘magaling sina Aga Muhlach at Xia Vigor, gayundin sina Joel Torre, Jojit Lorenzo, Mon Confiado, Soliman Cruz, at JC Santos.’

Wala kang itatapon sa kanila at talaga namang pinalakpakan ang mga eksena nila.

Ginagampanan ni Aga ang role ni Joselito, isang tatay na mentally challenge at napagbintangan sa isang krimen na hindi naman niya ginawa. Ikinulong si Aga dahil napagbintangang nanghalay at pinatay ang isang bata. Pero ang totoo, tinutulungan lamang niya iyon.

Mahusay din ang pagka­kaganap ni Bela Padilla na nagtanggol sa kanyang ama para malinis ang pangalan.

Aminado si Aga na hindi niya alam kung paano iaarte ang isang amang abnormal na nag-aalaga sa isang batang anak. Pero maayos niyang nagampanan iyon at talaga namang muling hahangaan ang ipinakitang husay sa pag-arte ng aktor. Kaya nakatitiyak nang siya ang tatanghaling Best Actor sa Metro Manila Film Festival 2019.

Nakatutuwa ang pag-arteng tila bata ni Aga gayundin ang impit na hirap ng damdamin nang ihihiwalay na siya sa kanyang anak. Ramdam na ramdam ang bigat sa dibdib na nararamdaman ni Aga.

Maging ang batang si Xia ay napakagaling kaya tiyak ding mag-uuwi siya ng award.

Nanibago kami sa karakter ni JC na naiiba sa pangkaraniwan niyang ginagawa, ang boy next door. Pero pinatunayan niya rin ang pagiging mahusay na aktor bilang kasamahang preso ni Aga.

Sa kabuuan, maganda ang kuwento ng Miracle in Cell No 7 at nakabibilib na nakaisip ng ganitong klaseng kuwento ang mga Koreano.

Kung naiyak kayo sa Korean version nito, tiyak din sa Pinoy adaptation na Rated A ng Cinema Evaluation Board. Mapapanood na ang pelikulang ito simula December 25 handog ng Viva Films.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Piliin Mo Ang Pilipinas

Vice Ganda ipinakita ‘problema’ sa ‘Pinas sa Piliiin Mo Ang Pilipinas challenge

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST at nakisabay na rin ang Unkabogable Star na si Vice …

Coleen Garcia Billy Crawford

Coleen sa mga humuhusga sa kapayatan ni Billy—He’s more than okay, wala na siyang mga bisyo

MA at PAni Rommel Placente MARAMING lumalabas na haka-haka nang mag-viral ang picture ni Billy Crawford sa …

Miss Lipa Tourism 2024

Ganda ng Lipa ibibida sa buong mundo

MATABILni John Fontanilla LABINLIMANG naggagandahan at lovely candidates mula sa iba’t ibang lugar sa Lipa …

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kira  inamin feelings kay Kelvin: may kaunti, ang pogi kasi niya

MATABILni John Fontanilla KAHIT walling nabuong relasyon kina Kira Baringer at Kelvin Miranda, lead actors ng pelikulang, Chances Are, …

Lolit Solis

Bonggang birthday celeb ni Manay Lolit pinaghahandaan ng mga alaga

I-FLEXni Jun Nardo BONGGANG birthday celebration next week ang pinaghahandaan ng talents ni Manay Lolit Solis. …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *