Tuesday , May 28 2024

Vice, pressure na mapangatawanang makapagbigay kasiyahan tuwing Pasko

GUSTO pala sanang maging protective ni Vice Ganda sa kanilang relasyon ni Ion Perez. Ang pagbubunyag na ito’y naganap sa grand presscon ng The Mall The Merrier2019 Metro Manila Film Festival entry ng Star Cinema at Viva Films.

“Napaka-tipikal at napaka-normal at masaya na pamilya sina Ion. Kaya isa ito sa mga dahilan ko rati kaya ayaw kong ipangalandakan (relasyon). Kasi kung mahal mo ang isang tao poprotektahan mo rin ang mga mahal niya.

“Kasi kapag na-invade na ng mga taong labas pati ang personal na buhay nila hindi ‘yun maganda sa pakiramdam ko. Hindi ko gugustuhing magulo ang buhay ng ibang tao dahil lang sa sayang nararamdaman natin.

Hindi naman maganda na sarili lang natin ang iniintindi natin. Kasi ang pamilya nila ang saya-saya at ang bait-bait, mahal ako ng pamilya niya (Ion’s fam),” ani Vice Ganda.

Naikuwento pa ni Vice Ganda na close ang nanay niya at nanay ni Ion. ”Magkakilala ang mga nanay namin. Nag-uusap sila, nagtsitsikahan. Nagpunta na nga ang nanay ko sa bahay nila, kumakain lang sila ng kakanin.

Bagamat hindi naman masasabing close rin ni Vice Ganda sa mga kapatid ni Ion, “Hindi naman close pero na-meet ko na sila so, okey kami at nakakausap ko sila.”

At dahil laging number one ang pelikula ni Vice Ganda, grabe ba ang pressure na nararamdaman niya ngayon dahil may entry sina Aga Muhlach, ang Miracle in Cell No 7 at Judy Ann Santos, ang Mindanao.

Paliwanag ni Vice Ganda, “may malaking-malaking pressure talaga pero hindi dahil sa kanila. May malaking pressure kasi, may obligasyon kami na makapagbigay ng magandang materyal sa tao. ‘Yung obligasyon namin sa tao na panindigan ang intensiyon na mapasaya ang napakaraming Filipino.

Hindi kami pwedeng magmalaki na, ‘oy number one na tayo.’ Hindi natin puwedeng panghawakan na naniniwala ‘yung tao na number one tayo kaya ok lang maglabas ng pelikulang tae-tae, puchu-puchu.

Seriously hindi lang naman kasi pera-pera dahil akala ng tao sobrang laki ng perang inuuwi ko rito. Malaki kung sa malaki pero hindi katulad ng inaakala n’yo. Hindi po ako ‘yung producer na makapag-produce lang. Pinaghihirapan po namin. Kasi gusto namin na maibigay ang obligasyon namin sa mga tao kung ano ang deserve nila. Kasi nagbayad sila at pinaghirapan din naman ng tao ‘yung ipambabayad sa sine. Kaya pareho nating paghirapan.

You give them kung anong worth ng money nila. Ayokong malugi sila. Mahal na mahal ko sila. At ang malaking pressure ay mapangatawanan ko na ako ‘yung makapagbigay sa kanila ng kasiyahan lalo na kung Pasko,” mahabang paliwanag ni Vice Ganda.

Ang The Mall The Merrier ay idinirehe ni Barry Gonzalez, direktor din ni Vice sa MMFF entry niya na top grosser, ang Fantastica.

Magkapatid sina Vice Ganda at Anne Curtis na nagkaroon ng away sa kung sino ang magpapalakad sa mall ng kanilang pamilya nang mamatay ang mga magulang dahil sa plane crash.

Kasama rin sa pelikula sina Elisse Joson, Jameson Blake,Tony Labrusca, at Dimples Romana.

Kasama rin sina MC Calaquian, Lassy Marquez, Brendamage, Petite, Chad Kinis, Miel Espinoza: Majo: The ‘You Do Note’ Girl, Carlo Gigil, Ate Girl Jackie Gonzaga, Ion Perez, at iba pa.

Mapapanood ang The Mall The Merrier sa December 25.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Diwata

Diwata ayaw magseryoso sa lalaki — baka mawalan ako ng puhunan, maubos

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALAYONG-MALAYO na talaga ang naabot ni Diwata mula sa pagiging walang-wala ngayo’y …

Carlo J Caparas

Direk Carlo pumanaw sa edad 80

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang batikang Comics King, novelist, writer, at director na si Carlo …

tiktok

Mga artista naisasantabi dahil sa mga Tiktokerist 

I-FLEXni Jun Nardo PISTA ng Holy Trinity kahapon sa lugar namin sa Balic-Balic, Sampaloc. Kaya …

blind item woman man

Television/event host gigil sa baho ng male starlet

HATAWANni Ed de Leon MAY isang television at event host na pilit kaming pinaaamin kung …

Leo Dominguez Ogie Alcasid

Manager ni Ogie na si Leo Dominguez namaalam na rin

NAUNA lang ng isang araw kay direk Carlo Caparas, namatay naman ang talent manager na si Leo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *