Sunday , September 8 2024

Yeng Constantino, tiniyak na kargado sa pampakilig ang Write About Love

EPEKTIBO ang pagganap ng mga bida ng pelikulang Write About Love, isang kakaibang romantic comedy starring Miles Ocampo, Rocco Nacino, Joem Bascon, at Yeng Constantino. Ito ang TBA Studios’ official entry sa 45th Metro Manila Film Festival (MMFF) na magsisimula sa December 25.

Sa aming maikling panayam kay Yeng, inusisa namin ang role niya sa pelikula.

Sagot ni Yeng, “Ako po ‘yung character na isinusulat nina Rocco ‘tsaka ni Miles, kami po ni Joem. Pero, sila (Miles at Rocco) may love story rin po rito sa movie. Nakakikilig din po sila rito.

“Iyong process nila, na kung paano nila isusulat ang isang pelikula, na ‘yung isa ay no boyfriend since birth tapos kailangan niyang sumulat ng isang romantic film. At iyong isa naman po ay indie na scriptwriter na medyo weird. So ‘yung sa kanila, (makikita) ‘yung conflict nilang dalawa at saka ‘yung kilig, ‘yung mystery ng relationship…

“Sa amin naman ni Joem, madrama po ang mga tagpo, e. So, baka tissue po ang kailangan ng manonood,” nakangiting wika ni Yeng.

Kargado ba sa kilig itong kanilang movie? ”Opo, ang cute… Parang ano, may cute na side, tapos may romantic na side na iyong para sa mga matagal nang in a relationship, tapos may part na para sa bagong love.”

Ayon sa singer/songwriter/actress, excited na siya sa darating na MMFF Parade of Stars. “Nakatutuwa po, I’m looking forward sa mga alikabok na lalanghapin natin, hahaha!

“Very excited, I know it’s going to be a tiring day, kasi po rati nag-float na rin ako roon sa pelikula nina Ms. Judy Ann, nakapapagod po talaga. Pero worth it naman po ‘pag nakita natin ‘yung saya ng mga kababayan natin na makita lang nila ang mga artista, happy na sila. Sobrang nakatutuwa po ‘yun. Kakayanin ko ‘yung pagod, iyon na ‘yung reward, ‘yung smile ng mga tao,” saad ni Yeng.

Ang pelikulang pinamahalaan ni Direk Crisanto B. Aquino ay may G-Rating (suitable for all audiences) sa MTRCB at B-Grading sa Cinema Evaluation Board. Ang official music soundtrack ng pelikula mula kay Yeng is now out via Star Music Philippines.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

About Nonie Nicasio

Check Also

Boobsie Wonderland

Boobsie Wonderland ‘di nag-klik bilang sexy singer

HATAWANni Ed de Leon MANINIWALA ba kayong iyong komedyanteng si Boobsie Wonderland ay isang dating sexy singer? …

Teejay Marquez

Teejay mali ng diskarte, pagto-thong walang dating

HATAWANni Ed de Leon PARANG nagmumukha namang kawawa si Teejay Marquez, naghirap siyang nagpaganda ng katawan, …

MTRCB

PD 1986 ng MTRCB dapat amyendahan

HATAWANni Ed de Leon TINANONG ni Senador Jinggoy Estrada kung ano ang opinyon ng MTRCB (Movie and Television Review …

Tutop Romm Burlat

Direk Romm Burlat, mapansin na kaya ngayon sa Ani Ng Dangal awards?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio TULOY-TULOY sa paggawa ng projects ang award-winning director na si …

A Journey to Greatness, The Marcos Mamay Story 

Mayor Mamay maraming hirap ang pinag daanan bago nagtagumpay

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang red carpet premiere night ng pelikulang pinagbibidahan nina Jeric Raval, Ara Mina, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *