Tuesday , March 17 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Boyband na JBK, going sexy na

FIRST time kong narinig kumanta ng live sina Joshua Bulot, Bryan del Rosario, at Kim Ordon­magaio o mas kilala bilang J BK at napahanga ako sa ganda ng boses at galing nila kumanta. Bagamat anim na taon na pala sila sa music industry, mas nagustuhan ko ang naging pagkanta nila ng live o acapella.

Nagsi­mulang umingay ang JBK nang sumali sila sa X Factor UK  na pinag-usapan sila dahil sa pagwo-walkout ni Nicole Scherzinger, isa sa mga hurado. Gustong-gusto kasi niya ang JBK pero ibang grupo ang piniling winner ng kapwa huradong si Simon Cowell.

Inamin ng JBK na umiyak sila after ng announcement ng nanalo.

“Ibinigay kasi namin lahat, pero sabi nila, overwhelmed kami dahil first time namin. Hindi namin in-expect ‘yung pressure. Halo-halo na, umiyak din kami sa backstage,” ani Joshua.

Pero bago tayo malayo, paano nga ba nagsimula ang JBK? Sa kuwento ni Bryan, sinabi nitong nagsimula sila sa pagkanta ng mga cover, ”May time pa nga, we even tried a sing-and-dance approach to pattern ourselves after K-pop boy bands. But as time went by, nag-mature rin kami and found our individuality, the music that we really prefer and a better appreciation of OPM and hold our own in the international market.

“’Yung experience namin sa ‘X Factor UK’ made us realize na dapat i-push namin ang paggawa ng mas maraming original songs tulad ng mga inspirasyon namin ngayon like Ben&Ben, IV of Spades, pati ‘yung mga OPM icons like Apo Hiking Society and other successful groups.”

Hindi naman nagsisisi o nainip ang JBK kung ngayon lang sila nagiging bukambibig lalo na nang humataw ang kanta nilang Anestisya, na komposisyon ng entertainment editor na si Jojo Panaligan at ipinrodyus ng RiderPH Studios.

Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 300,000 views ang lyrics video nito sa YouTube habang more then 90,000 views naman sa Facebook.

Nasa Top 5 most requested songs na rin ang Anestisya sa halos lahat ng radio stations sa bansa. Nominated din ang JBK sa Most Favorite Pop Boy Group of the Year ng PPop Awards 2019 para sa nasabing kanta.

Habang humahataw ang Anestisya, may tatlo pang original songs na ire-record ang JBK, ”Before the year ends, we’re going to record three new songs na isinulat namin. Bukod diyan, may inihahanda rin kaming regalo sa lahat ng supporters ng JBK na medyo sexy talaga,” saad naman ni Joshua.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Emma Tiglao

Emma Tiglao sinabihang ‘makapal ang mukha,’ management ng resto nag-sorry

MATABILni John Fontanilla NABASTOS daw si 2025 Miss Grand International Emma Tiglao ng isang waiter na tinawag siya …

Ricci Rivero Juliana Gomez

Ricci pinararatangang oportunista sa pakikipag-close kay Juliana

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRA naman ang basher ni PBA cager Ricci Rivero. Sa pinag-uusapan ding …

Janine Gutierrez

Janine ipinangalandakan Fake News pagbubuntis

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GAYA ng ibang celebrities na natsismis na buntis nang dahil lang …

Dangal ng Pinas 2026

Coco, Jen, Dennis bibigyang parangal sa Dangal ng Pinas 2026

MATABILni John Fontanilla ISANG non-government at non-profit award giving body ang Dangal ng Pinas na ang misyon …

Ahtisa Manalo Alden Richards

Ahtisa inaming crush si Alden: he has a maamo face

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging beauty queen ay pinasok na rin ni 3rd runner …