Thursday , June 4 2026
shabu drug arrest

P.3-M shabu kompiskado sa drug suspect (4 drug pusher huli sa P54K shabu)

NASAKOTE ang tina­guriang top 1 most wanted sa lungsod at nakuha rin ang higit P300,000 halaga ng ilegal na shabu nitong Martes ng gabi, sa isinagawang buy bust operation ng mga tauhan ng Parañaque city police.

Kinilala ng pulisya ang inarestong suspek na si Rock Daniel Diocareza, alyas Loloy, 38, walang trabaho, residente sa Tramo St., Irasan Creek­side, Barangay San Dionisio.

Base sa report ng Parañaque City Police, si Diocareza ay itinuturing na high-value target (HVT) sa ilalaim ng kampanya laban sa ilegal na droga at wanted rin sa walong “focus crime” sa lungsod.

Sa ulat, nagkasa ng buy bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pamumuno ni P/Maj. Anthony Alising sa Tramo Uno St., Barangay San Dionisio hanggang matagumpay na makabili ng ilegal na droga ang pulis na nagpanggap na buyer dakong 10:45 pm.

Nang aabutin na ng suspek ang marked money, dito hinuli ng mga pulis ang suspek na hindi na nakapalag.

Nakuha mula sa suspek ang isang medium size plastic sachet na naglalaman ng shabu na ibinenta niya sa buyer habang natuklasan ang 21 plastic sachet sa dala niyang itim na sling bag, may street value na P374,000.

Nakuha rin ang limang bala ng kalibre .45 baril, isang timbangan, isang motorsiklo at P500 marked money bilang ebidensiya

Nakapiit sa detention cell ng Parañaque city police si Diocareza na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act (RA) 9165 o Com­prehen­sive Dangerous Drugs Act of 2002 at Illegal Posses­sion of Ammunitions.

 (JAJA GRACIA)

4 drug pusher huli sa P54K shabu

INARESTO ang apat na drug pusher matapos makompiskahan ng shabu  sa buy bust ope­ration sa Quezon City, ayon sa ulat ng pulisya.

Kinilala ni Acting Quezon City Police District (QCPD) director P/Col. Ronnie Montejo ang mga naaresto na sina Renato Sabino, 35; Russel Santillan, 30;  Kimberly Simeon, 27, pawang residente sa Caloocan City; at Mirasol Armea, 25,  ng Brgy. Unang Sigaw, Balinta­wak.

Sa ulat ni Novaliches Police Station (PS4) na pinamumunuan ni P/Lt. Col. Rossel Cejas, ang mga suspek ay nadakip dakong 5:00 pm nitong 12 Nobyembre sa  Quirino Highway corner M. Pascual St., Brgy. Baesa, QC.

Nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad sa talamak na pagbebenta ng mga suspek ng ilegal na droga kaya agad isinailalim sa ‘surveillance’ at nang magpositibo, ikinasa ang buy bust laban sa kanila.

Nakompiska sa mga suspek ang tatlong sachet ng shabu na nagkaka­halaga ng  P54,400, buy bust money, 2 cellular phones at tricycle na may markang EBB TODA na ginamit sa paged-deliver ng ilegal na droga.

Samantala, sa patu­loy na operasyon ng QCPD, 17 pang drug suspects ang nabitbit na kinilalang sina Armando Avila, 30;  Ramy Esca­nilla, 42; Walter Tomel­den, 40;  Rachelle Ro­mual­do, 33; Christian Angelo Moreno, 26;  Marjorie Veloso, 18;  Orlando Areñola, 44;  Unicio Quiñahan, 52;  Joel Dabalos, 43;  Liza Masu­col, 48;  Joan Medina, 28;  isang 17-anyos binatilyo; Jeric Dela Cruz, 35; Armando Cales, 34; Ludovico Lagda, 18; Manolito Leonardo, 53; at Alvin Sunga, 47.

Ang mga nadakip ay kasalukuyang nakapiit sa QCPD headquarters habang inihahanda ang kasong paglabag sa RA 9165 o The Com­prehen­sive Dangerous Drugs Act of 2002, habang ang menor de edad ay inilipat sa QC-Social Services Development Depart­ment (SSDD). (ALMAR DANGUILAN)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …