Thursday , June 4 2026

Ika-5 SGLG award tinanggap ng Caloocan City

IPINAGMAMALAKING tinanggap ni Mayor Oscar “Oca” Malapitan ang ika-limang Seal of Good Local Governance (SGLG) Award.

Ito ay matapos kilalanin ng Department of the Interior and Local Govern­ment (DILG) sa panglimang sunod-sunod na taon (2015-2019) ang lungsod ng Caloocan sa ilalim ng pamamahala ni Mayor Oca bilang SGLG Awardee.

Kasamang tumanggap ni Mayor Oca ng prestihiyosong pagkilala sina Rep. Along Malapitan, DILG Caloocan Director Marco Cabueños at iba pang opisyal ng lungsod.

Ang SGLG ay pinaka­mataas na parangal na iginagawad ng DILG sa mga lokal na pamahalaang nagpamalas ng kahusayan at katapatan sa iba’t ibang aspekto ng serbisyo publiko tulad ng social protection, financial administration, disaster preparedness, peace and order at iba pa.

Kabilang ang Caloocan sa tanging dalawang lungsod sa buong National Capital Region na nakakuha ng sunod-sunod na para­ngal mula 2015 hanggang 2019.

“Nagpapasalamat ako sa suporta at kooperasyon ng bawat mamamayan ng Caloocan upang muling makamit ang pagkilalang ito,” ani Mayor Oca.

“Nagpapasalamat din ako sa lahat ng kawani ng pamahalaang lungsod na nagsikap upang makamit ang parangal sa pamu­muno ng kanilang masisi­pag na department head tulad ni Engr. Aurora Ciego, Engr. Jay Bernardo, Dr. James Lao, Engr. Noemi Obinia, Hilario Castro at iba pa.

“Ang parangal na ito ay sumasalamin sa ating tapat at maayos na pamamahala sa lungsod. Asahan ninyo na patuloy ang ating pagganap sa ating tungkulin upang hanggang matapos ang aking huling termino ay makakuha tayo ng ganitong parangal at patuloy na maiangat ang lungsod ng Caloocan,” dagdag ni Mayor Oca. (JUN DAVID/ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun David

Check Also

OKGames

OKGames Brings Gaming and Entertainment Together at the OKGL Baccarat Master Series and OKAngels Finals

Lights dimmed, music filled the room, and anticipation grew stronger with every moment as OKGames …

PUREGOLD OPM CON GEN 2026 Feat

SB19, Ben&Ben, Alamat, Flow G
PUREGOLD IPINAGDIRIWANG TALENTO NG PINOY SA OPM CON GEN 

ITATAMPOK muli ng Puregold ang malalim na ugnayan ng mga Filipino at ng OPM sa Araneta Coliseum …

BingoPlus VIP Clubs First every winner of the BMW X1 Hybrid

BingoPlus VIP Club’s First every winner of the BMW X1 Hybrid

BingoPlus VIP Clubs First every winner of the BMW X1 Hybrid Manila, Philippines — A …

SM Bacolod Bulawan Trade Fair

5 Reasons Shoppers are Obsessed with the Bulawan Trade Fair at SM Bacolod
Discover Negrense artisans, local finds, and exciting experiences that deserve a spot on your plans

SM Supermalls and the Association of Negros Producers (ANP) formally open the Bulawan Trade Fair …

SM Supermalls cycling bicycle

SM Supermalls Expands Nationwide Push for Cycling Through Bike-Friendly Facilities and Active Mobility Initiatives

MANILA, Philippines – Since the energy crisis, many Filipinos have been exploring alternative modes of …