Monday , February 10 2025

Ika-5 SGLG award tinanggap ng Caloocan City

IPINAGMAMALAKING tinanggap ni Mayor Oscar “Oca” Malapitan ang ika-limang Seal of Good Local Governance (SGLG) Award.

Ito ay matapos kilalanin ng Department of the Interior and Local Govern­ment (DILG) sa panglimang sunod-sunod na taon (2015-2019) ang lungsod ng Caloocan sa ilalim ng pamamahala ni Mayor Oca bilang SGLG Awardee.

Kasamang tumanggap ni Mayor Oca ng prestihiyosong pagkilala sina Rep. Along Malapitan, DILG Caloocan Director Marco Cabueños at iba pang opisyal ng lungsod.

Ang SGLG ay pinaka­mataas na parangal na iginagawad ng DILG sa mga lokal na pamahalaang nagpamalas ng kahusayan at katapatan sa iba’t ibang aspekto ng serbisyo publiko tulad ng social protection, financial administration, disaster preparedness, peace and order at iba pa.

Kabilang ang Caloocan sa tanging dalawang lungsod sa buong National Capital Region na nakakuha ng sunod-sunod na para­ngal mula 2015 hanggang 2019.

“Nagpapasalamat ako sa suporta at kooperasyon ng bawat mamamayan ng Caloocan upang muling makamit ang pagkilalang ito,” ani Mayor Oca.

“Nagpapasalamat din ako sa lahat ng kawani ng pamahalaang lungsod na nagsikap upang makamit ang parangal sa pamu­muno ng kanilang masisi­pag na department head tulad ni Engr. Aurora Ciego, Engr. Jay Bernardo, Dr. James Lao, Engr. Noemi Obinia, Hilario Castro at iba pa.

“Ang parangal na ito ay sumasalamin sa ating tapat at maayos na pamamahala sa lungsod. Asahan ninyo na patuloy ang ating pagganap sa ating tungkulin upang hanggang matapos ang aking huling termino ay makakuha tayo ng ganitong parangal at patuloy na maiangat ang lungsod ng Caloocan,” dagdag ni Mayor Oca. (JUN DAVID/ROMMEL SALES)

About Jun David

Check Also

DOST Region 1 backs the Philippines First Wave Flume Facility in Ilocos Norte

DOST Region 1 backs the Philippines’ First Wave Flume Facility in Ilocos Norte

Mariano Marcos State University (MMSU), Ilocos Norte – The Department of Science and Technology Region …

Kathryn Bernardo Joshua Garcia TNT

Kathryn, Joshua pinasaya masusuwerteng TNT KaTropa

MASAYA ang pagpasok ng taon para sa limang masuwerteng TNT subscriber na nakahalubilo ang mga KaTropang sina Kathryn …

Krystall Herbal Oil

Hilot-Krystall paborito ng lolo ng isang OFW

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Flagship ng ICTSI FIRST NEAR-ZERO EMISSION RTGs SA PH

Flagship ng ICTSI
FIRST NEAR-ZERO EMISSION RTGs SA PH

GUMAWA ng isang makabuluhang hakbang ang Manila International Container Terminal (MICT), flagship operation ng International …

SM Foundation opens 2025 College Scholarship Application

SM Foundation opens 2025 College Scholarship Application

Continuing the mission of SM Group Founder Henry Sy, Sr. in education, the SM College …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *