Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kathryn at Daniel, pinaghahandaan na ang future (sa pagsososyo sa negosyo); KathNiel teleserye, sa 2020 na

BAKIT nga ba barber shop ang unang negosyong itinayo ng mag-sweetheart na Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Kasi si Kathryn may Kath Nails na, na mostly for women, so napag-usapan namin ni Kath na dahil isa ako sa lalaking masyadong maselan sa pagpapagupit sa mga barbero. At saka ‘yung theme nitong Barbero Blues, pasok sa personalidad namin,” pahayag ni DJ.

At kaya naman napapayag si Kathryn sa negosyong barber shop ay dahil na rin sa payo ng inang si Mrs. Min Bernardo na kasosyo rin ng KathNiel bukod kina Karla Estrada, Ton Lao, Doc, at kapatid ng aktres na babae.

Actually, si mama siya ‘yung nag-lead nito kung paano kami magkaroon ng barbers shop and all that. Sabi niya na-cater na namin ang girls with nails salon and sabi namin para sa boys naman barber shop.  Sakto nga, habang nagpapalinis ‘yung wife mo sa nails salon, nandito naman ‘yung husband sa Barbero Blues,” paliwanag ni Kathryn.

May kasabihan kapag nag-joint venture na ang magkarelasyon ay pinaghahandaan na ang future nila.

Ha, ha, ha, masaya lang, kasama namin dito, eh, parehong mga magulang namin, mga taong pinagka­katiwa­laan namin at siyempre kaming dala­wa. At outside of showbiz, eh, mayroon pa kaming ibang pinagkakaabalahan,” pahayag naman ni Daniel.

Pero wala pang investment na magkasama ang KathNiel dahil puro magulang palang nila ang humawak ng kita nila at in-invest ito sa mga lupa, paupahang condominium.

As together, wala. Sina mama at tita Karla ang nagtuturo sa amin sa mga ganyang bagay. Ang dami naming napag-uusapang business, mga dream namin like vacation house, gusto ganito ang hitsura pero hanggang usap pa lang,” natatawang sabi ng aktres.

KathNiel teleserye, sa 2020 na

Samantala, sa 2020 na muling mapapanood na magkasama sina Daniel at Kathryn sa isang project.

Next year kasi this year masyado kaming maraming lipad abroad for shows, early next year, doon na tayo magsisimula at magkikita-kita na naman tayo. Teleserye muna kami kasi ako kakatapos ko lang sa movie, so it’s DJ’s turn this time for a movie and wala pa lahat final details and for sure, maraming surprises next year and excited kami,” kuwento ni Kath.

Box Office Queen na ang tawag ngayon kay Kathryn na ayon naman kay Daniel, “matagal na niyang hawak ‘yun, ilang beses ba itong kukunan.”

Very humble, very thankful and sana marami pang magawang pelikula na mamahalin ng tao kagaya ng pagtanggap nila sa previous films namin, thank you,” say naman ng aktres.

At matindi palang pinag-uusapan ng KathNiel kasama na ang mga taong nasa likod ng karera nila ang pakikipagtambal nila sa ibang aktor at aktres.

Say ni DJ, “pinag-uusapan ‘yun, pag-uusapan. Hindi naman ‘yan basta-basta ginagawa, lahat ‘yan pinag-iisipan at lahat naman naayos dahil sa pag-uusap.”

Anyway, ang nakaisip ng logo ng barber shop ay si Daniel kasama na ang interior design nito dahil isinunod niya ito sa hitsura ng bahay niya at ang mga kulay sa interior at gamit ay si Kathryn naman ang may suhestiyon.

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …