Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maine, si Arjo na ang gustong makatuluyan

SA guesting ni Maine Mendoza sa Tonight With Boy Abunda, para sa promo ng movie nila ni Carlo Aquino na Isa Pa With Feelings, ay tinanong siya ni Kuya Boy Abunda kung gaano kalaking bahagi ng kaligayahan niya si Arjo Atayde, na boyfriend niya.

Ang sagot ni Maine, “Malaking bahagi po.”

Sa segment naman ng show na Fast Talk, isa sa tanong ni Kuya Boy kay Maine, kung sino ang pinakagwapo kina Alden Richards, Carlo Aquino o Arjo.

Ang mabilis na sagot ni Maine, si Arjo.

At least, hindi naging plastik si Maine. Kahit ka-loveteam niya si Alden, ay hindi ito ang pinili niya. At kahit kasagsagan ng promo ng movie nila ni Carlo, ay hindi rin ito ang pinili niya. Nagpakatooo lang si Maine. na para sa kanya ay si Arjo ang pinakagwapo.

Siyempre, boyfriend niya ang aktor, kaya natural lang na ito ang piliin niya, ‘di ba?

Sa tanong naman ni Kuya Boy, na “Last night of the world, Arjo proposes to you, ano ang isasagot mo sa kanya?”

‘Yes,’ ang isinagot ni Maine.

Iisa lang ang ibig sabihin nito, mahal talaga ni Maine si Arjo, at ito na nga ang lalaking gusto niyang makatuluyan at makasama sa iisang bubong.

‘Pag nakarating kay Arjo ang naging sagot na ito ni Maine, maging dahilan kaya ito para maisipan niya nang mag-prose sa tinaguriang Dubsmash Queen?

MA at PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …