Thursday , December 26 2024

Sa Masbate VM na inambus… Misis ni Yuzon umalma sa asunto vs 4 suspek

UMALMA ang misis ng pinaslang na vice mayor ng Batuan, Masbate sa kasong isnampa ng Manila Police District (MPD) laban sa naarestong apat na suspek.

Sinabi ni Lalaine Yuson, kabiyak ng napa­tay na si Vice Mayor Char­lie Yuson III, nana­wagan sila na isama sa Senate hearing ang tila cover-up ng pulisya sa isinagawang imbesti­gasyon sa mga suspek kaugnay ng pagpaslang sa kanyang asawa.

Sa panayam kay MPD P/BGen. Vicente Danao, Jr., sinagot nila ang aku­sasyon ni Yuson at tiniyak na walang magaganap na cover-up o switching sa mga suspek, na sina_­sabing may dalawang Masbate police.

Ipinaliwanag ni Danao kung bakit illegal possession of firearms ang isasampang kaso laban sa mga suspek dahil may nakuhang armas nang maharang sila sa dragnet operation.

Paliwanag ni Danao, para ma-hold ang mga suspek dahil nagpa­patu­loy pa ang isinasagawang imbestigasyon.

Sasampahan din ani­ya ang mga suspek ng kasong murder sa san­daling makompirmang sila nga ang nasa likod ng nangyaring pagpatay.

Ayon kay Danao, iimbitahan din nila si PCSO Director Sandra Cam sa MPD upang mahi­ngan ng pahayag kaugnay sa pagkaka­da­wit ng kanyang pangalan.

Nauna nang itinanggi ni Cam ang akusasyon.

“It’s unfair na nakala­ban lang namin siya sa nakaraang mayoral election ay kami na ang ituturo na may motibo sa pag-ambush?”

Ito ang pahayag ni Philippine Charity Sweep­stakes Office (PCSO) Director Sandra Cam kasabay ng mariing pag­tanggi na may kinalaman siya sa pag-ambush at pagpatay kay Batuan Masbate vice mayor Charlie Yuson llI.

Ayon kay Cam, tang­gap nila ang pagkatalo noong nakaraang elek­siyon at walang dahilan para ipapatay nila ang biktima.

“Kung mamatay ba siya ay mauupo ang aking anak, hindi naman, at hindi kami ganyan na magpapapatay para lang sa puwesto,” giit ni Cam.

Ang anak ni Cam na si Marco Martin Cam, ang nakalaban sa mayoral race sa Batuan, Masbate ng anak ni Yuson na si Charmax Jan Yuson.

Ang mag-amang Yuzon ay mayroong out­standing warrant of arrest sa kasong illegal pos­session of firearms matapos mahulihan ng matataas na kalibre ng baril noong nakaraang Pebrero.

“I have nothing to do with the ambush. It is so unfair that our family is being dragged into this, we’ve moved on from that election” ani Cam.

Kinondena ni Cam ang ambush kay Yuson at umaasang lalaliman ng Manila Police District (MPD) ang imbestiga­syon sa kaso para matu­koy ang motibo at kung sino ang mastermind sa krimen.

Inaalam ng MPD sa Philippine Drug Enforce­ment Agency (PDEA) kung sangkot sa illegal drugs ang biktima.

Iniimbestigahan din ng MPD kung may kaug­nayan ang pagkaka­kom­piska ng high powered firearms sa mag-amang Yuson sa ambush.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *