Sunday , April 28 2024

Cameo role ni John Lloyd Cruz sa Culion, gumawa ng ingay

MARAMI ang nagulat sa ipinalabas na teaser ng pelikulang Culion ni Direk Alvin Yapan, dahil sa katapusan nito ay lumitaw si John Lloyd Cruz.

Nang usisain ang producer nitong si Shandii Bacolod kung gaano kahaba ang partisipasyon ni Lloydie sa pelikula, ito ang kanyang sinabi:

“I can only say two things, number one, he plays a very important role in the film and number two, his role is connected to Meryll Soriano. For now iyon pa lang ang puwedeng sabihin,” esplika ni Shandii.

Idinagdag ni Shandii na hindi sila nahirapang kombinsihin si John Lloyd na sumali sa proyekto dahil nakatrabaho na niya ito noon sa isang short film na siya rin ang producer.

“So, mayroon na kaming work relationship as a producer. He’s also friends with so many of the cast and our assistant director. Hindi kami nahirapan to talk to him because of the people around,” sambit pa niya.

Ang paglabas ni Lloydie sa trailer ng Culion ay gumawa ng alingasngas dahil siya ang mas pinag-usapan at ang naging banner story sa ilang diyaryo at online sites, at hindi ang mga bida ritong sina  Iza Calzado, Jasmine Curtis-Smith, at Meryll  Soriano.

Anyway, umaasa ang mga nasa likod ng pelikulang ito na sila ay makapapasok sa 2019 Metro Manila Film Festival.

Mula sa panulat ni Ricky Lee at prodyus ng iOptions Ventures Corp at Team MSB, ang Culion ay isang period film hinggil sa tatlong babaeng may ketong na pinagbuklod ng kanilang mga karanasan sa buhay noong panahong ang nasabing sakit ay pinandidirihan.

Ang setting nito ay 1940s, itinuturing ang lugar bilang land of the living dead. Higit sa kuwento ng pakikibaka, makikita rito ang kuwento ng pag-asa, tapang at kakayahang magmahal at magsakripisyo ng mga taong sinubok ng tadhana.

Base sa pinag-usapang trailer nito, interesting ang pelikula at isa ito sa gusto kong mapanood sa December, sakaling makapasok sa MMFF 2019.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

About Nonie Nicasio

Check Also

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *