Sunday , December 22 2024

Star City tinupok ng ‘koryente’ (Nagsimula sa Snow World?)

MALAMLAM at hindi ririkit ang mga bituin sa kinagigiliwang amusement park ngayong Pasko matapos tupu­kin ng naglalagablab na apoy sa 14-oras na sunog ang Star City na nasa Roxas Blvd., Pasay City, na nagsi­mula kahapon ng madaling araw.

Sa mga unang ulat, sinabing ang sunog ay nagsimula sa Snow World ng paboritong amuse­ment park ng mga bata kasama ang kanilang pamilya, ngunit kalaunan ay itinuwid ng mga imbestigador na ang apoy ay nagsimula umano sa bodega ng stuffed toys.

Tinataya ng mga awtoridad na aabot sa P15 milyon ang pinsala ngunit ayon kay Star City spokesperson Ed de Leon, natupok ang lahat ng indoor rides kaya maaa­ring ang pinsala ay uma­bot sa P1 bilyon.

Ayon kay Rudolph Steve Juralbal, vice president for legal affairs ng Elizalde Group of Companies nagmamay-ari sa Star City, hindi pa nila matataya kung gaano kalawak ang pinsala dahil hindi pa sila pinapayagan pumasok sa loob.

Sa ulat ni Pasay City Fire Marshall Supt. Paul Pili, dakong 12:22 am nang sumiklab ang apoy sa stockroom ng stuffed toys at mga papremyo na agad kumalat sa ibang bahagi ng gusali ng Star City.

Sa laki ng sunog kumapal ang usok at makalipas ang dalawang oras, agad itinaas sa Task Force Bravo ang alarma.

Agad nakapag­res­ponde ang mga pamatay sunog na umabot sa 70 trucks ng bombero ang nagmula sa iba’t ibang panig ng Metro Manila.

Ideneklarang fire under control dakong 6:55 am habang patuloy sa pagbomba ng tubig para tuluyang mapatay ang apoy.

Dakong 2:02 pm, nang ganap na maapula ang sunog, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).

Ipinagtataka ng mga pamatay sunog kung bakit sabay-sabay nasu­nog ang iba’t ibang bahagi ng Star City.

Posible umanong arson o problema umano sa koryente ang dahilan ng sunog.

Ngunit agad ‘pinatay’ ni Juralbal ang sapan­tahang ‘arson’ dahil sila man ay nagulat sa pagsulpot ng nasabing anggulo.

“We have no reason to believe why arson would take place because we don’t know any group of person who would have motive to do so,” ani Juralbal sa panayam.

Dahil sa sunog, bumag­­sak ang bubungan ng Snow World attraction at nasira rin ang Star Theatre.

Nadamay sa sunog ang radio & television network ng Manila Broadcasting Company (MBC) at ang pag-aari ng DZRH na Love Radio.

Tuloy ang operasyon ng mga himpilan ng radyo na may pangalawang tanggapan sa Twin Tower sa likod ng Megamall, Ortigas Pasig City.

Sa Twitter post na ipinakita ni ballet dancer Lisa Macuja, asawa ng may-aring si Fred Elizalde ng Star City, sinabi niyang nanganganib na mamatay ang Star City.

Idineklara ng pamu­nuan na walang ope­rasyon ang Star City ngayong Christmas sea­son.

nina MANNY ALCALA/JAJA GARCIA

PALASYO NAKIRAMAY
SA STAR CITY, MBC

IKINALUNGKOT ng Palasyo ang ang naganap na sumog sa Star City at tanggapan ng Manila Broadcasting Company kahapon ng umaga sa Pasay City.

“As we near Christmas, this is truly sad news knowing that Star City is a place where Filipino families visit to celebrate the Yuletide season. To our friends in the media who are affected, we wish to let them know that we are one with them in this tragic incident,” ani Presidential Spokesman Salvador Panelo.

Nanawagan si Panelo sa mga ahensiya ng gobyerno na tulungan ang mga naapektohan ng sunog.

(ROSE NOVENARIO)

 

About Manny Alcala

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *