Thursday , June 4 2026
thief card

‘Access devices’ crime karumal-dumal sa bagong batas ni Duterte

ISA nang heinous crime ang paggamit ng ‘access devices’ para maka­pandaya gaya ng hacking sa sistema ng banko maging ang skimming ng credit at payment cards.

Ito’y matapos lag­daan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act No. 11449 na magpa­pataw ng mas mabigat na kaparusahan sa itina­takda ng Access Devices Regulation Act of 1998.

Base sa isinasaad ng Section 10 G ng batas, may parusang life imprisonment at multa na maaaring umabot sa P5 milyon ang ipapataw sa mga sangkot sa pagha-hack ng banking system.

Kaparehong parusa rin ang kahaharapin ng mga nasa skimming o pagkopya ng bank details at pagnanakaw ng laman ng hindi bababa sa 50 payment cards, credit cards, debit cards at online banking accounts.

Maihahanay aniya ang naabing mga krimen sa economic sabotage.

Sa kabilang dako, anim hanggang 20 taon pagkakakulong ang nag­hi­hintay sa mga nan­daraya ng credit cards at iba pang access devices habang may kaukulang multa din na doble ng halagang nanakaw mula sa access devices ang itinatakda ng nasabing batas.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …