DREAM ng Bidaman finalist na si Ron Magapagal na magkaroon ng teleserye.
Saad ni Ron. ”Yes po, iyon talaga ang pangarap ko po, ang magkaroon ng teleserye. Kung bibigyan ng chance, gusto ko po makatrabaho sina Joshua Garcia at Janella Salvador, iyon pong sa Killer Bride. Kasi magaling si Joshua, at si Janella isa siya sa hinahangaan ko po ngayon.”
Paano kung biglang sabihan siya ng ABS CBN na isasali sa Killer Bride? “Ay naku, hindi ko po alam, baka magtatatalon ako sa tuwa, baka umiyak pa nga po ako sa tuwa. Kasi, matagal ko na pong dream iyon,” nakangiting saad ni Ron.
Dagdag niya, “Sana po bago matapos ang taon, kahit masali lang po ako sa isang teleserye sana.”
Sa pelikula ba, game siyang magpa-sexy? “Iyong sexy movie… well, I would say na sa ngayon ay no po. Kasi, may parang goal po ako, na parang like John Lloyd Cruz at Jericho Rosales, iyon ang peg ko po, iyong mga movies nila the very dramatic, na magpapakita ng emosyon.
“Pero okay lang naman po sa akin iyong topless. Actually, may ginawa po ako, bale pumasok sa mainstream, pero hindi pa po puwedeng sabihin. Nakagawa na rin po ako ng mainstream, I’ve done two movie po with Regal Films, iyong Wild and Free nina Derrick Monasterio at Sanya Lopez at Time And Again nina Enzo Pineda at Winwyn Marquez.”
Incidentally, congrats kay Ron at sa mga kasama sa Tickled Pink at Bata Bata Bakit Ka Ginawa sa matagumpay na premiere night nito sa Cinematheque last Sept. 20. Kapwa pinamahalaan ni Direk Romm Burlat ang dalawang pelikula. Tampok sa Tickled Pink sina Ron, Chin Soriano, Ailla Nolasco, at Migz Paraiso. Ang Bata Bata Bakit Ka Ginawa naman ay pinagbidahan nina Ron, Fiona Yang, Clarissa Milne, at Derrick Lloyd Pua.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio