Thursday , June 11 2026

Paul Hernandez, masaya sa matagumpay na premiere night ng Marineros

MASAYA ang newbie actor na si Paul Hernandez sa magandang pagtanggap ng moviegoers sa premiere night ng advocacy film ni Direk Anthony Hernandez na Marineros (Men In The Middle of the Sea). Punong-puno ng movigoers ang ginanap na red carpet screening nito sa tatlong sinehan sa SM Manila last Sunday.

“Sobrang saya ko sa pagtanggap ng movie­goers sa Ma­ri­neros. So­brang happy ako, kasi ‘yung view­ers, parati silang may reaction sa mga scene, so para sa akin ay na­gan­dahan sila sa pelikula at nagpapa­sala­mat ako sa kanila at sa mga sumu­porta sa amin,” saad ni Paul.

Dagdag niya, “This is my big­gest break talaga sa movie, kaya so­brang thankful ako sa alalay ni direk Anthony, hindi niya ako pinaba­yaan. Da­pat ni­lang pano­orin ang pelikulang ito kasi marami silang mapu­pulot na les­sons, like forgiveness, hope, sacrifice… Makare-relate rin dito ‘yung mga nagtatrabaho sa ibang bansa na may pamilyang naiwan dito, makare-relate sila.”

Si Paul ay gumaganap dito bilang si Kelvin Marisol, ang blacksheep ng pamilya at nagtatrabaho bilang waiter sa isang luxury liner.

Ang Marineros ay isang family-drama advocacy film na punong-puno ng inspirasyon at kapupulutan ng aral. Ang pelikula ay tribute rin sa seafarers at OFWs na malaki ang naiaam­bag sa ekonomya ng bansa.

Hatid ng Golden Tiger Films at Premier-Dreams Production Incorporated, pinagbibi­dahan ito ng veteran actor na si Michael de Mesa, with Ahron Villena, Valerie Concepcion, Jon Lucas, Jef Gaitan, Moses Loyola, at iba pa. Ang pelikula ay showing na sa September 20, nationwide.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Cassy Legaspi

Cassy iginiit single at walang karelasyon

MATABILni John Fontanilla KUMALAT kamakailan sa social media ang mga larawan ni Cassy Legaspi habang nagbabakasyon sa …

Linda Walker Zhang Yingfei

Linda Walker mainit na sinalubong sa NAIA 

I-FLEXni Jun Nardo ENGRANDENG salubong kay Linda Walker  o ang actress na si Zhang Yingfei ang handog ng …

MTRCB

MTRCB nakatanggap ng ika-pitong magkasunod na Unmodified Opinion mula COA

HARD TALKni Pilar Mateo MULING kinilala ng Commission on Audit (COA) ang mahusay na pamamahalang pampinansiyal ng Movie …

Christy Imperial Apphle Celso Meg Imperial Ashtine Olviga

Apphle Celso proud kay Ashtine; Christy nahigitan pagpapa-sexy ni Meg

NATATAWANG ibinahagi ni Christy Imperial na hindi akalain ng pinsan niyang si Meg na malilinya siya sa pagpapa-sexy sa …

Kaye Abad Cancer Survivors Month

Kaye ipina-tattoo pink ribbon para sa Cancer Survivors Month

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “FOR quiet battles and victories of a cancer survivor.” Caption ng tattoo …