Saturday , February 14 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Migz Coloma, may mahusay na guesting sa Pambansang Almusal sa Net25, carrier single nasa top 1 list ng Monkey Radio

NASORPRESA ang hosts ng Pambansang Almusal sa husay ni Migz Coloma ng kaniyang performance.

Yes nag-guest, two weeks ago sa nasabing morning show ng NET25 si Migz na noong araw na iyon ay nagse-celebrate pala ng kanyang birthday.

Mala K-Pop kasi si Migz sa fast tagalog carrier single niyang Kayo Na Naman Bang Dalawa na danceable ‘yung beat kaya buhay na buhay ang loob nkkg studio sa ganda ng kanyang performance.

Komento ng isa sa host, ma-build-up lang nang husto si Migz ay malayo ang mararating ng kanyang career. At kaya kainte-interes panoorin ang number ng newcomer recording artist-model ay dahil sa magaling din ang kanyang back-up dancers na girls.

Samantala, feeling heaven ngayon si Migz, dahil as of press time ay Top 1 na sa Super Tunog Pinoy, Top 15 Viewers Choice sa Monkey Radio ang kanyang Kayo Na Naman Bang Dalawa.

Malamang sa dagsa ng mga boto, ang nasabing song na ang tanghaling number 1 sa Top 15 Hit Lists ng Monkey Radio na napapanood sa internet.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Kapuso Foundation Sagip Dugtong Buhay Debbie Lopez Ariel Daluraya

Kapuso Foundation Sagip Dugtong Buhay matagumpay

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang katatapos na Kapuso Foundation Sagip Dugtong Buhay Bloodletting na ginanap noong February …

Nadine Lustre Leni Robredo

Nadine muling susuportahan si Leni sakaling tatakbong pangulo

MATABILni John Fontanilla MALAYO pa man ang presidential election ay very vocal na si Nadine Lustre sa …

2026 Blue Falcon Awardees V Mapa HS Grand Alumni Homecoming

2026 Blue Falcon Awardees pararangalan sa 2026 V. Mapa HS Grand Alumni Homecoming 

MATABILni John Fontanilla ISA ang inyong lingkod sa bibigyang parangal sa gaganaping 2026 Victorino Mapa High …

Nadine Lustre Christophe Bariou Daniel Mac

Nadine at Christophe trending interview ni Daniel Mac

MATABILni John Fontanilla PINAG-USAPAN sa social media ang latest vlog ng American content creator na …

Heart Evangelista APAC Top Key Voices

Heart kayang makipagsabayan malalaking pangalan sa luxury fashion industry

I-FLEXni Jun Nardo PATULOY ang pamamayagpag ni Heart Evangelista sa global fashion stage. Muling pinatunayan ng Global …