MAHILIG sumakay agad sa mga isyu pero ignorante.
Ganito inilarawan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Sen. Panfilo Lacscon.
Ayon sa Pangulo, hindi ipinagbabawal sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act ang pagbibigay ng maliliit na regalo sa mga pulis taliwas sa sinabi ni Lacson na maaaring pagmulan ito ng “insatiable greed” ng mga alagad ng batas.
“When I said that the policemen can accept gifts in gratitude but in small token, I was stating the words of the law. Hindi man nila alam na ano. I can forgive Lacson for coming out with an erroneous tongue,” ani Duterte.
Pinayohan ng Pangulo si Lacson na maging maingat sa mga bibitawang pahayag dahil puwedeng gamitin ito laban sa senador kapag tumakbo muli sa presidential elections.
Matatandaan na natalo si Lacson kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong 2004 presidential polls.
“Maybe because he’s not a lawyer. But his penchant to just right away in every issue dito, I think he’s running for President. But I would caution him to be more circumspect because pagdating ng panahon ‘yan, ‘yan ang magagamit ng mga ano niya, mga kalaban niya. Sheer ignorance. Trying to be a crusader but ignorant,” dagdag ng Pangulo.
Binatikos din ng Pangulo si Vice President Leni Robredo sa pagbibigay babala sa mga pulis na huwag tumanggap ng mga regalo dahil pag-uugatan ito ng korupsiyon.
Anang Pangulo, masama para sa bansa na magkaroon ng presidente gaya ni Robredo na hindi nagbabasa ng aklat kaugnay sa anti-graft law.
(ROSE NOVENARIO)