Matagal-tagal nang hindi nakapagso-show nang live sa ibang bansa ang EB Dabarkads, kaya’t maraming kababayan natin sa abroad ang nami-miss sila. Kaya ngayong November ay mapagbibigyan na ang request ng Pinoy community sa Dubai na masilayan ang kanilang favorite hosts sa longest-running noontime variety show on TV.
Yes tuloy na tuloy na ang Dabarkads ng @eatbulaga1979 sa Dubai, UAE. Titled “Eat Bulaga sa Dubai,” magaganap ito sa Dubai World Trade Center on Friday, November 15, 7:00 pm. Bukod sa hatid na entertainment, siguradong mamumudmod rin ng papremyo ang EB Dabarkads, na madalas nilang gawin sa mga show nila abroad.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com