Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marco, masusundan pa ang pagpapakita ng butt

MALIBAN sa ‘saliva scene’ ni Anne Curtis sa Just A Stranger, pinag-usapan din ang behind ni Marco Gumabao.

“Ang puti-puti, flawless, at matambok na katulad ng kanyang abs. Maniwala ka ba na pangalawa ko na itong pinanood at panonoorin ko pa uli. Haaaay!” sambit ng transgender na kausap namin.

Kaya naman, malaking pagpapasalamat ni Marco sa lahat ng tumangkilik ng pelikula dahil katuparan iyon ng kanyang birthday wish noong August 14, 2019 na ngayon ay isa nang certified blockbuster.

Nadagdagan pa ang kasiyahan ng actor dahil pinupuri ang kanyang performance sa Just A Stranger na malaking karangalan sa kanya dahil ngayon pa lamang siya nagbida sa pelikula.

Ani Marco, nag-workshop sila ni Direk Jason Paul Laxamana ng one-on-one at para sa kanya pinaka-nahirapan siya sa eksenang nag-breakdown si Anne. Ito ‘yung nag-aaway sila. Ang matindi pa, siya mismo ang nag-suggest na gusto niyang magkaroon ng butt scene.

“Honestly, ako ang nag-suggest. Siyempre, down the road, ito naman ‘yung path o pagiging hunk actor na tinatahak ko na landas. So, in the future, magpapakita rin ako ng butt, whether I like it or not.”

Para pa sa kanya, ito ‘yung best project dahil ito ‘yung launching movie niya bilang leading man at kasama pa si Anne Curtis. “So for me, kawalan ko if hindi ko pa rito ibibigay, ang lahat na kailangan sa movie.”

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …