Thursday , June 4 2026

Neil Arce, tikom ang bibig sa petsa ng kasal nila ni Angel

MASKI anong pilit kay Neil Arce, isa sa producer ng I’m Ellenya L tungkol sa petsa ng kasal nila ni Angel Locsin ay nakatikom ang bibig nito. ”I’m not going to divulge any information kasi baka mapagalitan ako pag-uwi (ko),” ito ang nakangiting sagot ng fiancé ni The General’s Daughter.

Hanggang sa masolo na si Neil pagkatapos ng presscon ng pelikula nina Inigo Pascual at Maris Racal ay nagsabi pa ring, ”tungkol lang po sa ‘Ellenya’ ang tanong ha, walang segue-segue.”

Ano ang panlaban ng I’m Ellenya L sa Pista ng Pelikulang Pilipino”Ang panlaban, technically sa age kasi considered kaming milenyals, ‘di ba? Medyo iba rin kasi kung paano kami pinalaki ng age namin ngayon na 30’s towards the 20 to 25 year old.

“Lumaki kaming walang social media, so you have to find the right connections, educations ganito, ganyan para mag-survive. May theory kasi ako na ang tinitiningnan lang ngayon ay ‘yung success story niyong taong ‘yun, hindi nila tinitingnan ‘yung mga hirap ng mga taong nasa paligid. Hindi naman kasi lahat success story. Tingnan mo rin ‘yung 90% failed.”

Tinanong kung sino ang dream na gustong i-produce ni Neil, ”dati noong magkaibigan palang kami gusto kong i-produce si Angel, pero ngayong kami na, as much as possible, ayaw kong pag-usapan ang trabaho kapag magkasama kami, may ganoon. I wanna be with the person na personal basis, pero deep inside of me, gusto kong i-produce pero mahirap kasi ‘pag puro trabaho ang pag-usapan, pareho kaming intense.”

Ang I’m Ellenya L ay kasama sa 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino na mapapanood nationwide simula sa Setyembre 13 handog ng Spring Films at N2 Productions.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …