ISINARA sa night out goers ang beer garden na matatagpuan sa bahagi ng Lawton sa Maynila.
Alinsunod ito sa kautusan ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na ipagbawal ang pagbebenta at pagbili ng alak sa 200 radius mula sa mga paaralan sa lungsod.
Ipinasara umano ang mga nasabing tindahan ng alak dahil sa reklamo ng Intramuros Administration na umano’y ‘masamang libangan’ ng mga estudyante tuwing sumasapit ang gabi.
Isang nakakubling inuman na nasa gilid ng Lawton underpass ang naturang beer garden malapit sa Lyceum of the Philippines University, Colegio de San Juan de Letran, at Mapua University.