Monday , November 25 2024

Belle Douleur, napaka-sensual at matitindi ang love scenes

AMINADONG inangkin at inari ni Atty. Joji V. Alonso ang kuwento ng Belle Douleur kaya wala siyang naisip na ibang direktor na magdidirehe nito kundi siya lang.

Aniya, “I didn’t consider another director for this film because this was the story na gusto kong idirehe bilang first full feature film ko, so sa akin talaga ito. Magiging suwapang na ako in that context. I helped many young filmmakers with their first films and I just thought it was about time to give myself a break and the chance so akin talaga. As far as the title was concerned because it was inspired by the story of a French woman, so somehow its my homage back to her that’s why the title is French.”

Maraming nagulat nang mapanood ang Belle Douleur na idinirehe ni Atty. Joji dahil napaka-sensual at matitindi ang love scenes na malayo sa imahe niya bilang abogada. Paano niya na-imagine kung paano ito gawin?

Apat ang anak ko ha,” birong sagot kaagad ni direk Joji.

Humirit si Mylene Dizon, “don’t worry, take one naman lahat.”

Sabi ni direk Joji, “may take 2 kasi may nakita na hindi dapat makita kay Kit (sabay tawa).

“Unang-una since May – December ang relationship, so much passion at hindi naman puwedeng walang sex, so ginamit ko ‘yung sex scenes. May progression ang sex scenes ko rito.

“The first nga is lust.  It’s their first time.  And the second which is a long take of 5 minutes is the passage of time. So ‘yun ang pinakamahirap naming ginawa as in we prepared that 2 days ahead of time and rehearsals ilang oras kasi mahirap kung ulit-ulitin and then, last one is actually my representation of Elizabeth’s freedom.  So walang damit.”

Sa parte ni Kit ay okay lang sa kanya ang walang plaster pero si Atty Joji mismo ang nagsabing maglagay.

Pinag-plaster ko si Kit kasi ayoko naman siyang makitaan, mayroong nakita pero binura ko!  Ano kasi si Kit malayo pa ang mararating ng batang ‘to, so ayaw ko namang gawin ‘yun sa kanya,” pahayag ng direktora.

Tinanong kung ano ang nakita kay Kit, “it’s part of the organ,” diretsong sagot nito.

Hirit ni Mylene, “yung baga, lumabas ‘yung baga (testicles).”

Nagtawanan ang lahat sa mediacon ng Belle Douleur.

Pero inamin ni Atty. Joji na sinadya niyang diliman ang ilang kuha na medyo sensitibong eksena na.

Bakit si Mylene ang nag-iisang choice ni Atty. Joji? “Mura lang daw siya, ha, ha, ha.  Magaling si Mylene na artista. She drew so many emotions. At siyempre, gusto ko ‘yung lead actress ko is beautiful and sexy. So those combined, I could not go wrong with a Mylene Dizon.”

Dagdag pa, “sobra akong grateful kay Mylene kasi tinulungan niya akong matupad ‘yung gusto kong gawin, salamat My (tawag sa aktres) ha.”

Mapapanood na ang Belle Douleur sa Agosto 14 nationwide handog ng Quantum Films, Dreamscape Digital, at iWant.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *