Wednesday , July 6 2022

Nadine Lustre never na magiging Kathryn o Liza (Ngayong mega flopsina ang pelikula)

HINDI pa man naipapalabas ang pelikulang “Indak” ni Nadine Lustre with Sam Concepcion ay ramdam na naming lalangawin ito sa takilya. Sino ba naman kasi ang magkakainteres na panoorin ito e, titulo pa lang, tipong dance musical na ang dating ng movie ni Nadina at Sam Concepcion. Bakit ka pa magbaba­yad sa sinehan e, puwede ka namang manood nang libre ng musical show gaya ng ASAP.

Sinayang ng Viva ang career ni Nadine at hindi nila pinag-isipan ang proyektong ibinibigay nila sa nasa­bing alaga, na ang feeling siguro nila ay kahit anong klaseng pelikula na kanilang ibigay ay papatok si Nadine.

Well, dapat sa susunod na proyekto ng live-in partner ni James Reid, bukod sa pag-isipan ay maging mai­ngat na sila. Kasi kapag bara-bara lang ay wala na talagang manonood. Imagine sa first day of showing ng Indak ay wala pa raw P1 milyon ang kinita nito at ang kalo­kah dahil majority ng sinehang pinag­tatanghalan nito ay apat hanggang 10 katao lang ang nasa loob ng theaters.

Yes, never na magiging kagaya ni Kathryn Bernardo o Liza Soberano si Nadine. Ang dalawa ay parehong may magandang record sales sa takilya na kumita nang daan-daang milyon ang magkahiwalay na movies.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

AJ Raval

AJ ‘di buntis, flat tummy ipinagmalaki

MA at PAni Rommel Placente IBINANDERA ng sexy star na si AJ Raval sa kanyang Instagram account ang picture …

Arjo Atayde

Arjo 6 batas inihain agad pagka-upo sa Kongreso

MA at PAni Rommel Placente SA pagsisimula ng kanyang trabaho bilang Congressman ng 1st District …

Cristy Fermin Toni Gonzaga

Cristy ipinagtanggol si Toni Lupang Hinirang maayos na nakanta

MATABILni John Fontanilla DINEPENSAHAN  ni Cristy Fermin si Toni Gonzaga sa mga taong nanlalait kaugnay sa pag-awit nito ng Lupang …

Jake Zyrus Charice Pempenco

Jake Zyrus deadma sa ina sa kanyang Transman Journey

MATABILni John Fontanilla PALAISIPAN sa mga netizen ang hindi pagkakabanggit ni Jake Zyrus sa kanyang ina sa …

Geneva Cruz

Geneva sa tumawag ng trying hard— It’s a reflection of how bad you feel about yourself

MA at PAni Rommel Placente PINATULAN ni Geneva Cruz ang isang netizen na tumawag sa kanya ng …

Leave a Reply