Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ibinenta ang kotse para makapag-produce ng pelikula

Dream come true para kay Avid Razul ang makagawa ng isang pelikula na masasabing he is the one calling the shots and in control of the movie.

Dahil dito, pinag-ipon-ipon nila ng kanyang mga kaibigan na kinabi­bilangan nina CPL, LMP, JPL, at Kim Madison, ang kani­lang resources at dito nga nabuo ang Magic V Film Production na nag-produce ng indie movie na Lukas.

Honestly speaking, maayos ang direction sa movie at well-acted namang maituturing. Kung ikokompara sa ilang indie movie na gawa ng mga balahurang direktor, commendable naman ang direksiyon ni Lester Dimaranan.

Mahusay rin ang acting ng beteranong character actor na sina Soliman Cruz, Poppo Lontoc, Cloyd Robinson, Rez Cortez at ang mahusay na character actress na si Chanel Latorre at ang kanyang guwa­pong leading man na si Jao Mapa.

Bagama’t baguhan, hindi rin nagpahuli in her portrayal as Avid’s leading-lady ang magandang si Kim Madison who was photographed so beautifully in the movie.

Pero siyempre ang main bulk ng acting ay manggagaling kay Avid Razul.

Kumbaga, he is the ‘soul’ of the movie and his very moving portrayal of Lukas’ character has made the movie a memorable one.

Binabasa n’yo ito ay magsisimula nang umikot ang Lukas sa mga eskuwelahan in the metropolis and pretty soon, in the provinces as well.

Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …