Thursday , December 26 2024
BAKAS ni Kokoy Alano
BAKAS ni Kokoy Alano

Diskarte ni Isko epektibo pero peligroso sa malisyoso

ANG agarang pagpapaalis ni Manila Mayor Isko Moreno sa mga illegal stalls sa kahabaan ng C.M. Recto Ave., sa Divisoria at Carriedo St., sa Quiapo ay ikinatuwa ng maraming mamamayan ng Metro Manila at ng buong Filipinas dahil pinatunayan niya na kaya naman talagang magluwag ng mga kalsada kung gugustuhin ng mga namumuno.

May mga nagpaalala rin kay Mayor Isko ng ibayong pag-iingat dahil hindi biro ang mga binabangga niyang grupo na maaaring magtanim ng sama ng loob sa kaniya at sa kanyang mga tauhan sa ginagawa niyang operasyon. Konting ingat din sa mga sulsoltant na mga benggador pero lahi rin namang tirador!

Marami rin namang mga malisyoso ang nagdududa na baka gimik lamang ito ni Mayor Isko at gusto lamang organisahin ang mga nego­syanteng kapitalista ng mga vendors para mailipat sa grupo niya ang nguso ng imbudo ng pagkakakitaan mula sa sindikato ng kalsada.

Sana naman ay hindi!

P2.5 bilyong arkabala sa kalsada kada taon nakalulula talaga!

Nakakapanggigil ang halagang P50M kada linggo bilang intelihensiya na may kabuoang halos P2.5 bilyon taon-taon na iniaalok umano kay Mayor Isko ng grupong humahawak sa illegal vendors sa kabuoan ng lungsod pumayag lamang na manatili ang illegal stalls sa mga kalsada ng Maynila.

Kung totoo ito, nakapagtatanong tuloy ang mamamayan kung ganito ba kalaki ang tinatanggap ni dating Mayor Joseph “Erap” Estrada mula sa nasabing grupo noong siya pa ang bossing ng Maynila?

Naging Vice Mayor nina dating Mayor Alfredo Lim at Mayor Erap si Isko Moreno kaya marami na siyang alam sa mga nangyayaring madyik sa loob at labas ng Manila City Hall  kaya naman may kredebilidad ang bawat sabihin niya sa publiko at ito ang naging sandata niya sa dalawa nang maglaban-laban silang tatlo noong nakaraang eleksiyon.

Bukod sa kinakaharap na utang ng Lungsod ng Maynila na iniwanan ni Erap, may mga problema din na kinakaharap si Mayor Isko sa isyu ng social services tulad ng kapos na pondo ng public hospitals na kung mareresolbahan bago matapos ang termino ay maging hugot puhunan sa  political ambition sa pang-national level.

Pero baka naman sumobra sa pabango si Mayor Isko e! Pakialalayan din nang konti.

Hahaha!

BAKAS
ni Kokoy Alano

About Kokoy Alano

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *