Tuesday , March 17 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dimples, feeling mascot na dahil sa mga meme ni Dani Gurl

PINAKA-ICONIC para kay Dimples Romana ang mga naglalabasang meme ng eksena sa Kadenang Ginto na nakasuot siya ng pulang damit at may hila-hilang pulang maleta.

Ani Dimple, ”Iyon na ang pinaka-iconic na character na nagawa ko kasi umabot na kung saan-saan at saka paggising mo good vibes lang. Ganoon naman gusto natin, ‘yung natatawanan natin ang isa’t isa, walang napipikon, masaya lang,” sabi ni Dimple na nakagawa na rin ng  iba’t ibang klaseng role na tumatak naman talaga sa viewers. Ilan ditto ang pagiging si Krizzy ng One More Chance/Second Chance, si Amanda ng The Greatest Love, at ang Babaylan sa Bagani.

Ikinatuwa rin ni Dimples ang pagkukusa ng netizen sa paggawa ng mga meme.

Anang magaling na aktres, ”That’s what I love talaga. Ang hirap kayang mag-edit ng picture. Ibig sabihin ‘pag nag-eedit sila, nagbibigay sila ng oras, panahon.

“Biruin mo may mga lugar sa Pilipinas na napuntahan ng meme ko na hindi ko alam.”

At dahil sa mga meme na ito, tila mascot na ang pakiramdam niya sa sarili. ”’Yung habang naglalakad ako hinahanapan nila ako ng maleta! Naglalakad ako ng ABS kailangan may maleta!” sambit pa ni Dimples.

Sa kabilang banda, hiniling ni Dimples na pakatutukan pa ang kanilang Kadenang Ginto na mas iinit pa ang mga eksena sa pagpasok nila sa Book 3 gayundin sa pagpasok ng bagong karakter, si Leon na gagampanan ni Richard Yap.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Emma Tiglao

Emma Tiglao sinabihang ‘makapal ang mukha,’ management ng resto nag-sorry

MATABILni John Fontanilla NABASTOS daw si 2025 Miss Grand International Emma Tiglao ng isang waiter na tinawag siya …

Ricci Rivero Juliana Gomez

Ricci pinararatangang oportunista sa pakikipag-close kay Juliana

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRA naman ang basher ni PBA cager Ricci Rivero. Sa pinag-uusapan ding …

Janine Gutierrez

Janine ipinangalandakan Fake News pagbubuntis

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GAYA ng ibang celebrities na natsismis na buntis nang dahil lang …

Dangal ng Pinas 2026

Coco, Jen, Dennis bibigyang parangal sa Dangal ng Pinas 2026

MATABILni John Fontanilla ISANG non-government at non-profit award giving body ang Dangal ng Pinas na ang misyon …

Ahtisa Manalo Alden Richards

Ahtisa inaming crush si Alden: he has a maamo face

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging beauty queen ay pinasok na rin ni 3rd runner …