Thursday , December 26 2024

Maynila maaliwalas sa unang araw ni Mayor Isko Moreno

SINALUBONG man ng bagyo’t malakas na ulan, naging maaliwalas pa rin ang Lungsod ng Maynila sa unang araw ni Manila Mayor Isko Moreno.

Malinis ang mga kalye at lansangan at tuloy-tuloy ang trapiko bagama’t baha sa ilang kalye sanhi ng malakas na ulan dulot ng bagyo.

Ang dating Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ang nagdidirekta ng traffic sa major thoroughfares at intersections dangan nga lamang ay kulay asul at puti na ang kanilang mga uniporme.

Bukod sa bagong kulay ng kanilang uni­porme ay bago na rin ang kanilang hepe sa katauhan ni Mr. Viaje na pumalit kay Dennis Alco­riza na hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin matagpuan.

Maging ang Divisoria, Plaza Miranda, Binondo, Blumentritt, Paco, at San Andres ay malinis na rin maging sa mga vendor, sasakyan at kung ano-ano pang dating obstruction.

Marami ang nagulat at namangha ngunit marami rin ang nagtataka kung saan napunta ang sandamakmak na vendors.

Napag-alaman natin na kasalukuyang pinag-aaralan ng kinauukulan sa pamumuno mismo ni Mayor Isko ang kalalagyan upang hindi maabala ang kanilang pinag-kikitaan.

Makikita rin ang koordinasyon ng mga pulis sa hanay ng Manila Police District (MPD) na pinamumunuan ni P/Gen. Vicente Danao, Jr., na nangakong makikipag-tulungan sa bagong administrasyon para sa kapakanan at progreso ng Lungsod ng Maynila.

Kapansin-pansin ang pagkawala ng mga peryahan sa Divisoria, Blumentritt, at Quiapo na dating libangan ng sandamakmak na tao sa paglalaro ng color game.

Sa ngayon ay hindi pa natin makikita ang pruweba kung ano ang magiging kalakaran sa bookies ng karera na nagkalat sa buong lungsod.

Mag-courtesy call din kaya sa bagong alkalde ng Maynila ang mga maintainer at kapitalista ng mga bookies? He he he…

Ilang araw pa lang ang bagong admi­nistrasyon ngunit kahit paano ay may nakikita’t napapansin na tayong pagbabago, ‘di po ba?

Siguro ang mas malaking pagbabago ang makikita sa paglipas ng mga araw, linggo, buwan, at taon sa pananatili sa puwesto ng bagong halal na alkalde ng Maynila na si Isko Moreno.

Kudos at mabuhay Mayor Isko Moreno!

YANIG
ni Bong Ramos

About Bong Ramos

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *