Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Andrea Torres Derek Ramsay

Andrea Torres, patutunayan ang pagiging reliable actress

ACTUALLY wala akong masasabi kasi hindi ako involved,” ang bulalas ni Andrea Torres.

“Iyon ‘yun, eh.

“I mean, ibig kong sabihin sa hindi ako involved, na parang… wala naman akong alam sa kung anumang nangyari. So ayoko ring mag-comment po.

“Mas focused kaming dalawa sa work, sa show, iyon.”

Ito ang mga pahayag ni Andrea sa pangdadamay sa kanya ng ibang tao sa hiwalayan nina Derek Ramsay at girlfriend nitong si Joanne Villablanca.

Nagkataon kasing habang nagte-taping sina Andrea at Derek ng The Better Woman ay lumabas ang balitang hiwalay na sina Derek at Joanne matapos ang anim na taong relasyon.

Hindi niya tinanong si Derek tungkol sa naganap na hiwalayan.

“Ayoko namang magtanong ng mga ganoon.

“Parang, I think pareho kasi kaming sobrang tutok dito sa serye namin. Kasi pareho kaming may gustong patunayan.”

Ano ang nais patunayan ni Andrea?

“Gusto kong patunayan na reliable actress ako. Kasi siyempre extremes ‘yung role so, gusto ko namang masabi nila na, ‘Ay, artista ito, akres!’”

Matapos maging leading lady ni Alden Richards sa Victor Magtanggol ay magbibidang muli si Andrea at nasa titulo pa ng The Better Womanna bagong teleserye ng GMA.

“Siyempre po ano, very positive!

“Mas gusto kong mag-focus doon.

“Siyempre andoon ‘yung kaba, may pressure pero mas gusto ko pong i-embrace na napakalaking blessing niya.

“Kasi tinrabaho ko rin naman po, ang tagal din, years din talaga.

“Minsan nga nag-iisip ako, kasi  everytime na nakakaramdam ako ng antok, or pagod, parang naglu-look back ako so, na-realize ko a few days ago na parang, ‘Wow, naka-ten years na rin pala ako!’

“Tagal na rin pala. Ten years with GMA, ang tagal na rin!

“So ang sarap lang, ang sarap ng pakiramdam.”

Dumanas ng matinding pamba-bash si Andrea noong maging leading lady siya ni Alden na karamihan ay fans ng AlDub na tutol na si Andrea (at Janine Gutierrez) ang female lead stars ng VM.

Dito sa seryeng ito, palagay ba niya ay may mga basher din siya?

“Feeling ko sa lahat naman, magkakaroon at magkakaroon kasi nga hindi naman lahat gusto ka, eh.

“Pero feeling ko, alam ko na kung paano siya i-handle. Big difference.”

Natuwa si Andrea na sa pagbabalik ni Derek sa GMA ay siya ang ipinareha ng Kapuso Network.

“Honored po ako!

“Inaalagaan ko talaga ‘yung trust na ibinigay nila sa akin.

“Lahat naman ng show na ipinagkatiwala sa akin, more than one hundred percent talaga ‘yung output na ibinibigay ko sa kanila.

“So ito mas lalo na! Two hundred percent,” at tumawa si Andrea.

Inaasahan ni Andrea na mali-link sila ni Derek dahil pareho silang loveless ngayon.

“Hindi naman po siguro maiiwasan kasi ‘pag napanood nila ‘yung story, in-love na in-love ‘yung dalawang babae sa kanya so, marami talagang eksenang sweet, o kaya medyo sexy.”

Imposible o posible bang magkagusto ang isang Andrea Torres sa isang Derek Ramsay?

“I think may reason kung bakit siya gusto ng maraming tao or hinahangaan ng maraming babae.

“And nakikita ko ‘yun. Nakikita ko na mabuti siyang tao, marespeto, may values, humble, ganyan.”

“Guwapo at may abs… Ha! Ha! Ha!

“So ano, given na ‘yun pero, ngayon kasi, roon talaga ako sa show namin naka-focus.”

Handa si Andrea na harapin ang mga basher, na siya ang itinurong dahilan ng hiwalayan nina Derek at Joanne?

“Oo part naman ‘yun eh, part naman ‘yun ng pagtanggap mo niyong show.”

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …