FROM Carla Abellana, Ivan Dorschner, at Barbie Forteza, isa na namang Kapuso star, si Bianca Umali ang image model ng isa sa nangungunang beauty salon, ang X/S Xcess Salon na pag-aari ni Federico Moreno, anak ni Kuya Germs.
Ang X/S Xcess Salon ay may tagline na ‘To be beautiful doesn’t need to be expensive, na siya namang totoo. Ang salon ay may 36 branches na ang anim ay pag-aari ni Federico samantalang ang 30 ay franchise.
Katuwang ni Federico sa pagpapatakbo ng X/S Xcess Salon sina Matec Villanueva, marketing consultant; Elly Pastor, creative director; at Jhoana del Ponso, bus. dev. manager.
Mula sa Metro Manila, balak ni Federico na mag-branch out sa Visayas at Mindanao.
Naniniwala si Federico na malaki ang maitutulong ng Sahaya star na si Bianca para mas ma-promote ang salon sa buong Pilipinas.
Ang Vision /Mission ng Xcess Salon ay To become the Filipinos Happiest Salon; To become the Filipinos Favorite Salon; To provide the Cleanest Salon in this market segment; at “We want the Filipinos to be proud to say that Nagpagawa ako sa Xcess Salon.
At para sa mga gustong mag-fanchise ng Xcess Salon, tawagan lamang ang mga numerong +6356-705-4373, +632-351-8261. +632-351-8519 at hanapin si Ms. Jhoana o kaya mag-email sa [email protected].
MATABIL
ni John Fontanilla