Thursday , June 4 2026

Comelec umamin: 400-600 VCMs depektibo

INAMIN ng Commission on Elections (Comelec), nagkaroon ng depekto ang may 400 hanggang 600 vote counting ma­chines habang isinasa­gawa ang halalan kaha­pon, 13 Mayo.

Ayon kay James Jimenez, tagapagsalita ng Comelec, ang nasabing bilang ay hindi magdu­dulot ng malaking epekto sa resulta ng halalan dahil mayroong 85, 700 VCM units sa buong bansa ang gumagana at ginawan umano ng paraan ang mga depektibong VCM.

“Within the range of what is expected in terms of sa dami ng makina. I don’t think na nalalayo tayo sa expected range o na lumalabas tayo sa expected range,” paha­yag ni Jimenez.

Inamin ni Jimenez, nakababahala ang mga insidente ng mga depekti­bong VCM dahil mas mababa ang ganitong mga insidente noong 2016 presidential elections.

Noong 2016, brand new ang mga nabiling VCM ng Comelec mula sa Smartmatic.

Sinabi ni Jimenez, aalamin nila ang dahilan ng pagkasira ng mga apektadong VCM kapag sinuri nila ito pagtapos ng halalan.

Mayroon umanong 9,000 contingency units ang Comelec upang ma­pa­litan ang mga depek­tibong VCM.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …