Saturday , July 27 2024

Reelectionists halos sabay-sabay bomoto

ITINALA ni dating Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Alan Peter Cayetano ang kanyang boto sa Taguig City.

Nabatid, na 10:30 am nang bomoto si Alan sa Cipriano P. Santa Teresa Elementary School, Brgy. Bagumbayan at sina­mahan ng kanyang misis na si Taguig City Mayor Lani, kanidatong kongre­sista sa ikalawang dis­trito.

Samantala, si Alan Peter ay tumatakbo na­mang kongresista sa unang distrito.

Dahil sa pagtakbo ng mag-asawa sa parehong puwesto, sa magka­hiwa­lay na distrito, kinu­wes­tiyon ng mga residente ng lungsod ang kanilang kandidatura.

May naghain ng pe­tisyon hinggil dito, ngu­nit ibinasura ng Comelec.

Nitong Biyernes, nagsampa ng motion for reconsideration ang peti­tioner para patigilin ang pamilya Cayetano dahil sa pagiging “super dynasty” umano ng pamilya.

Bukod kay Alan Peter at misis na si Lani, tumakbong senador ang kapatid nitong si Pia, si Lino ay bilang akalde sa nabanggit na lungsod.

“Ang sitwasyon na­min ni Lani hindi kami nag-imbento niyan. ‘Yan ang batas. Pinapalaki ‘yung issue na ‘to. I’m confident na ma-unmask ‘yung people behind [this]… Walang dahilan na ma-reverse o matalo kami sa kaso,” ayon kay Alan Peter.

Iginiit niya, ang pag­takbo nilang mag-asawa ay malinaw aniyang serbisyo publiko.

Samantala sa Para­ñaque City, 1:30 pm pinakawalan ni incum­bent Mayor City Edwin Olivarez ang kanyang boto sa Parañaque High School, Brgy. San Dio­nisio.

Si Olivarez ay re­electionist sa pagka-alkal­de ng lungsod.

Dakong 10:00 am nang bomoto si Pasay City Mayor Antonio “Tony” Calixto sa Andres Bonifacio Elementary School, na tumatakbong kongresista, samantala ang kanyang kapatid na si Pasay City congress­woman Imelda “Emmie” Calixto-Rubiano ay tuma­takbo bilang alkal­de, sa magkahiwalay na presinto.

Sa Muntinlupa City, 7:00 am bomoto si incumbent Mayor Jaime Fresnedi sa covered court na ginawang polling precinct sa Villa Carolina Subdivision,  Brgy. Tuna­san. (JAJA GARCIA)

 

 

About Jaja Garcia

Check Also

Dulot ng bagyong Carina
PAMPANGA, BULACAN, IBA PANG LUGAR SA CENTRAL LUZON LUMUBOG SA BAHA  
2 iniulat na nasawi

PATULOY na nagsasagawa ng disaster response operations ang mga pulis sa Central Luzon habang nananatili …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted person sa Bicol Region naaresto sa Zambales

ISANG personalidad na nakatala bilang isa sa Most Wanted Persons sa Bicol region ang naaresto …

Bulacan Police PNP

Sampung wanted na kriminal sa Bulacan nasakote

HINDI alintana ng kapulisan sa Bulacan ang malakas na ulan at baha dulot ng bagyong …

Honey Lacuna Manila Baha Ulan Bagyo Carina

Bilang tugon sa problemang dala ni ‘Carina’:
SERYE NG DIREKTIBA IPINALABAS NI MAYOR HONEY

NAGPALABAS ng serye ng direktiba si Manila Mayor Honey Lacuna bilang tugon sa mga problemang …

Honey Lacuna Pangan Manila baha ulan carina

Pag-kalinga ni Action Lady, Mayor Lacuna kahit bagyo naramdaman ng mga Manileño!

BALEWALA kay Manila Mayor Honey Lacuna Pangan ang mataas na tubig baha na kanyang nilusong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *