Monday , November 25 2024

BF ni Aiko na si vice gubernatorial candidate Jay, nangunguna sa survey

SINAMPAHAN ng libel ni Aiko Melendez ang vice governor ng Zambales na si Angelica “Angel” Magsaysay-Cheng noong May 7, sa Olongapo Regional Trial Court. Ang rason ay dahil sa pagdawit ng vice governor sa pangalan ni Aiko bilang sangkot daw sa droga. Ipinakita ito sa sa ilang public film viewing ng kampo ng incumbent vice governor habang nangangampanya sa Zambales.

Sa social media posts ni Aiko, naglabas siya ng sama ng loob sa ginawa ng kalaban ng boyfriend sa politika. “Maraming pagkakataon pinalampas ko na ang paninira at pagpaparinig mo sa akin. Andyan me sakit ako sa balat, Jade… But not this one. Para isangkot mo ako sa droga! This is too much. I filed a libel case against Angel Magsaysay – Cheng. Wala ka nang awa basta na lang maka­sira ka ng tao kahit wala kang ebi­densiya, basta makasakit ka na lang ng kapwa mo. Para paikutin mo sa Zambales ang puting van na me picture ko na sangkot ako sa droga, ang nagtulak sa akin para ipag­laban ang karapatan ko bilang tao. If you can do this to me paano pa ang ibang tao na ‘di kayang magkaroon ng abogado? Sobra ka na. May this be a lesson also not just for you but to anyone who is so quick to judge and spit their words without any evidence.”

Matatandaan na taon-taon ay nagpapa-drug test si Aiko at ipino-post niya sa social media ang resulta nito.

Nalalapit na ang halalan sa May 13 kaya inaasahang mas titindi pa ang siraan sa kampanya. Pero ayon kay Aiko at sa BF niyang soon-to-be Zambales vice governor Jay Khonghun, hindi nila ito pinapansin dahil deadma rin naman ang constituents ng lalawigan dito.

“Ang mahalaga ay maiinit na pagyakap sa amin ng Zambaleños sa bawat barangay at sityong aming pinupuntahan. Iyon ang mahalaga sa amin nga­yon ni daddy, si Congressman Jeff Khonghun, kasi alam ng mga tao ang aming serbisyo sa kanila. Nakakatakot manalo ang mga taong nani­nira, sinunga­ling, nang­­bibintang at nana­nakit ng dam­da­min ng kapwa. Kung kaya nilang gawin sa mga katulad naming halal ng bayan, paano pa kaya ang ordinaryong mamama­yan?” wika ni Mayor Jay.

Sambit naman ni Aiko, “When you work too hard, it kills them with so much envy. So, we keep working and working.”

Ikinainis naman ng BF ng aktres ang mga nag-aalis ng kanilang campaign posters mula sa kalaban. Binalaan niya ang mga ito dahil nakunan sila ng CCTV at na-report na rin sa pulisya. May nakarating naman sa amin na ilang independent surveys sa Zambales na nangunguna ang Team Ebdane-Khonghun sa puso ng mga taga-rito.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *