Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
suicide jump hulog

Estudyante, tumalon sa car park ng mall

BASAG ang bungo at nagkabali-bali ang buto ng isang teenager ma­karaang magpatiwakal nang tumalon sa car park ng isang mall sa Quezon City, nitong Linggo ng umaga.

Kinilala ni P/Lt. Roldan Dapat ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD) ang biktima na si Carl John Mir Sanchez, 18, binatilyo, estudyante at residente sa Blk 4, Lot 29, Yellow St., BF Resort, Las Piñas City.

Sa imbestigasyon ni P\SSgt. Genaro Diego ng CIDU, ang trahedya ay naganap dakong 1:00 am kahapon, 5 Mayo, sa 6th floor ng Car Park Plaza sa Expansion SM North Edsa, Brgy. Pag-asa, QC.

Batay sa pahayag ng security guard na si Joel Lustado, nagsasa­ga­wa siya ng roving inspec­tion nang mamataan niya na tila problemado at aligaga ang biktima na palakad-lakad sa Car Park Plaza.

Nang lapitan niya ang biktima upang sitahin, ay nagulantang na lamang siya nang bigla itong tumalon kaya hindi na niya naagapan at dugu­ang bumagsak sa ground floor.

Agad namang sumak­lolo ang iba pang guwar­diya sa mall kaya naisu­god sa Quezon City General Hospital ang binatilyo ngunit idine­klarang dead-on-arrival ng attending physician na si Dr. Kris David B Abigui. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …