Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
QC quezon city

Taga-QC nagalit… Joy gumamit ng ‘bayaran’ nabuking

NAGALIT ang mga taga-Quezon City nang madis­kubreng pakawala pala umano ng bise alkalde na si Joy Belmonte ang isang nagpakilalang taxpayer ng lungsod na kamakailan lamang ay nagsampa ng disqualification case laban kay Cong. Bingbong Crisologo, mayoralty candidate ng siyudad.

Ito ay makaraang ma­ki­ta at kumalat sa social media o Facebook ang larawan ng pina­niniwalaang umano’y ‘bayaran’ na nagreklamo sa korte na ginamit la­mang umano ni Belmonte at nakalagay na “Con­cerned Citizen Nasa Payroll Ni Joy” sa isang kampanya sa QC.

Naniniwala ang mara­mi sa Quezon City na ang ginawang paninira ni Belmonte laban kay Criso­logo ay maghu­hu­dyat pa­ra mas lalo pa nilang suportahan si Crisologo sa kandidatura sa pagka-alkalde dahil sa muling pagbuhay ng natuldu­kang kaso noon ni Crisolo­go.

Sa isang panayam, nanindigan si Crisologo na pawang paninira la­mang ng kanyang ka­tunggaling si Belmonte ang ginagawa nito dahil wala silang mahanap na butas bilang pangontra sa kanyang matagal nang tapat na paglilingkod sa QC simula sa pagiging konsehal at kongresista.

“Puro na lamang recycled at rehash ‘yang mga paratang nila sa akin, dahil eleksiyon, binuhay na naman ‘yan. Wala nang naniniwala sa kanya (Belmonte), alam n’yo naman bukas ang buhay ko, alam ng tao at ng Diyos kung sino ako. Wala akong itinatago at wala rin akong dapat ikatakot sa mga naglala­basang paninira na ‘yan,” mariing pahayag ni Crisologo.

Matatandaang nitong Abril, nagtungo sa Com­mission on Elections (Comelec) ang isang nagpakilalang taxpayer na si Sophia Zamora ng Barangay Siena sa QC para idiskalipika si Criso­logo bunsod ng kawalan umano ng absolute par­don sa sentensiya noon.

Samantala, nanana­tiling nangunguna sa mga survey si Crisologo ha­bang patuloy na dina­ragsa ng suporta saan mang dako ng Quezon City.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia

Goitia Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas

Ang Tangkang Pagsupil sa  Katotohanan ay Kalapastanganan Ang  naging palitan ng pahayag nina Commodore Jay …

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …