PRIORIDAD ng tumatakbong Mayor ng Pasay na si Chet Cuneta ang Programang Pabahay. Hindi ito nagawa ng kasalukuyang administrasyon na siyang dapat unahin dahil halos ay wala pang mga sariling tahanan.
“Karapatan ng bawat isa ang magkaroon ng sariling bahay. Sisikaping matugunan ko ang pangangailangang ito katulad ng ginawa ng aking amang si Mayor Pablo Cuneta at higit pa. Sa Bagong Pasay, kasama sa programa ang pagkakaroon ng maayos at tiyak na matitirhan ang bawat pamilya.”
Ilan pa sa mga gustong gawin ni Cuneta kapag nailuklok na mayor ay ang pagbabalik sa mga napaalis ng demolisyon, pagtatayo ng maayos at magandang building para sa housing facilities, pagbibigay ng award sa mga lupang kasalukuyang kinatatayuan ng bahay at pamamahagi ng libreng housing facilities sa mga walang tirahan.
Samantala, dinudumog ng mga taga-Pasay ang isinasagawang kampanya ng Team Cuneta. Kaya naman ganoon na lamang ang katuwaan ni Chet sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga tao. (RF)