Monday , June 24 2024

Tom, nag-Keto para sa mga shirtless scene sa isang serye

WALANG pagkakaiba para kay Tom Rodriguez kung panghapon man o primetime ang show niya.

Sa akin it’s no different, eh.

“For me it’s the same. Like as long as I’m there working with brilliant people, with people who are just as excited  and just as passionate to be where they are , I already feel like a winner.

Sa akin hindi ko inisip ‘yung… I know it’s siguro bad of me to think about it pero hindi naman sa  dini-disregard ko ‘yung rating coz I know that it’s important.

“Pero since  it’s not something I directly have influence over, I mean kung ano lang naman ‘yung trabaho ko iyon lang makakaya kong gawin eh.

“So roon lang ako nagpo-focus, so nagpo-focus  ako sa kung ano ‘yung mae-enjoy ko, iyon nga, itong team na napakagaling at napaka-passionate sa ginagawa nila,” mahabang paliwanag ni Tom.

Sa Dragon Lady ay gumaganap si Tom bilang si Michael Chan at si Janine Gutierrez si Celestina Sanchez.

Nasa cast din sina Joyce Ching, Diana Zubiri, at James Blanco na idinirehe naman ni Paul Sta. Ana.

Sobrang excited ako na makasama sila, ganoon kababaw ‘yung iniisip ko usually when I’m preparing for a show so, whether it’s primetime or afternoon for me it’s the same level of stakes and passion.”

Passionate si Tom sa kanyang acting career kaya bukod sa pag-aaral ng Mandarin ay nag-aral siya ng rowing; may eksena kasi sa Dragon Lady na nasa isang rowing competition si Tom.

One day lang, kasi humingi ako sa GMA na kung puwede akong mag-immerse sa kanila, pinagbigyan ako, ‘yun nga lang the next day nag-taping na kami.”

Na-enjoy din ni Tom ang rowing.

Sobra! Hindi ako nakagalaw noong second day, gumugulong akong parang uod sa kama!”

Ready din si Tom sa shirtless scenes niya.

Kasi ngayon naka-Keto diet  na ako. So far parang okay naman sa akin ang hirap lang ng walang, dairy at saka ‘yung carbs talaga.”

Any wedding bells para sa kanila ni Carla Abellana this year?

Ah… I don’t wanna put  a definite date to it  pero working up to it.”

(ROMMEL GONZALES)

About Rommel Gonzales

Check Also

Darren Espanto D10 Star Magic

Darren Espanto pambato ng Star Magic  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NATAWA kami sa tinuran ni Darren Espanto nang matanong kung …

Diwata

Diwata walang kiyemeng kumain ng tsiken habang sumasagala 

MATABILni John Fontanilla HINDI na nga maitatago pa ang kasikatan ng social media viral pares …

Ogie Diaz Mama Loi Bea Alonzo

Ogie naghain ng counter-affidavit, Mama Loi perjury case vs Bea Alonzo

MA at PAni Rommel Placente KASAMA ang kanilang abogadong si Atty. Regie Tongol, humarap sina Ogie Diaz, …

Vilma Santos Carlo Aquino Charlie Dizon

Ate Vi bumawi sa mga inaanak na sina Carlo at Charlie

MA at PAni Rommel Placente ISA ang tinaguriang Star For All Seasons na si Vilma Santos sa …

Child Haus Ricky Reyes

TEAM Gift Giving & Feeding project sa Child Haus matagumpay Advocacy ni Ricky Reyes pagtulong  sa mga batang may cancer

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA ang pag-welcome ni Mader Ricky Reyes sa mga kasapi …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *