Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead gun police

Selosong basurero todas sa guwardiya

PATAY at wasak ang mukha ng isang basurero makaraang barilin ng shotgun sa mukha ng guwardiyang kanyang pinagbantaang silaban sa Quezon City, nitong Lunes ng hapon.

Kinilala ni P/Capt. Roldan Dapat ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD) ang biktima na si Mario Palma Nabia, 40, may live-in partner, basurero at walang permanenteng tirahan.

Agad naaresto ang suspek na si Merline Jovi Casas, 20, binata, security guard ng  X-Pert Security Agency, residente sa Malabon City, at stay-in sa abandonadong Man­darin International Buil­ding na matatagpuan sa Landragon St., corner G. Araneta Ave., Brgy. Santol, QC.

Sa imbestigasyon ni P/SSgt. Julius Raz ng CIDU, ang krimen ay nangyari dakong 3:05 pm (29 Abril), sa bina­ban­tayang abandonadong gusali ng suspek.

Batay sa pahayag sa pulisya ng nakasaksing si Efren Salem, abala siya sa pagtitinda ng mami sa labas ng gusali nang  ma­ri­nig at makitang lasing ang biktima habang inaa­way ang kaniyang live-in partner na kinilalang si Linda Bosalana dahil sa selos.

Nang hindi suma­sagot si Bosalana, at sa hindi malamang dahilan, nagulat ang guwar­diya nang pagbalingan siya ni Nabia.

Hinarap ng biktima na may hawak na tubo at lata na may “urethane thinner” si Casas.

Inutusan ng biktima ang guwadiya na iwanan ang kaniyang binaban­tayang gusali at kapag hindi sumunod ay sasa­buyan siya ng thinner sa mukha at saka sisilaban.

Bunsod nito, sunud-sunod na pinaputukan ng shotgun ng guwar­di­ya ang biktima sa mukha at dibdib. Hinala ng awtori­dad, posibleng ang guwardiya ang pinag­seselosan ng biktima na kalaguyo ng kaniyang live-in partner kaya kaniyang kinom­pronta.

(A. DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …