Saturday , April 27 2024

San Juan, La Union Mayor, inireklamong sangkot sa kurakot

PATONG-PATONG na kasong korupsiyon ang nakasampa laban kay Mayor Arturo Valdriz ng San Juan, La Union.

Kinasuhan noong 26 Hunyo 2018 sina Valdriz at Municipal Treasurer Genoveva Vergara ng Criminal case sa Ombudsman Docket No. OMB-L-C-18-0360 at Administrative case Docket No. OMB-L-A-18-0400 sa paglabag sa Seksiyon 3 (c) ng R.A. 3019 at paglabag sa Article 220 ng Revised Penal Code sa Grave Misconduct at Conduct Prejudicial to Best Interest of the Service.

Nauna rito noong  5 Disyembre 2017 sa Ombudsman ng Criminal case Docket No. OMB-L-C-17-0713, kinasuhan sina Arturo Valdriz at Genoveva Vergara ng mga kasong paglabag sa R.A. 3019 Section 3 (e) o Malversation of Public Funds, Gross Misconduct, Grave Abuse of Authority, Serious Dishonesty at Conduct Grossly Prejudicial to the Best Interest of the Service.

Nitong 3 Enero 2019, kinasuhan muli sina Valdriz, Vergara at anim pang iba sa Ombudsman ng Administrative case Docket No. OMB-L-A-18-1430 para sa mga kasong Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service at Grave Misconduct.

Nasundan pa ito noong 14 Enero 2019 nang kasuhan muli sa Ombudsman ng Administrative case Docket No. OMB-L-A-18-0404 ng kasong Con­duct Prejudicial to the Best Interest of the Service at Grave Misconduct sina Valdriz, Vergara at iba pang miyembro ng Bids and Awards Committee.

Lahat ng mga kasong isinampa kina Valdriz, Verga­ra, at iba pang miyembro ng Bids and Awards Com­mittee ay base sa Commission on Audit (COA) report and findings noong 2016 at 2017.

Panawagan ng mga miyembro ng Concerned Citizens of San Juan, La Union ibasura ang kandidatura ni Valdriz dahil sa pagkakasangkot sa mga kaso ng korupsiyon.

“Wala na kaming tiwala sa kasalukuyang Mayor,” ayon sa mga residente ng San Juan.

About hataw tabloid

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *