NASA 8,423 ang itinalagang bilang ng pulis ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) sa buong Metro Manila bunsod ng ika-117 pagdiriwang ng Araw ng Paggawa o Labor Day.
Inalerto kahapon ni NCRPO director, P/Maj. General Guillermo Eleazar, ang kanilang puwersa ngayong ipinagdiriwang ang Labor Day na nais nilang tiyaking mapanatili ang kaligtasan ng publiko.
Itinalaga nila ang nasa 8,423 pulis na estratehikog nakaposisyon sa buuong rehiyon, sa mga convergence places at vital installations.
Asahang daragsa ang mga raliyista sa Metro Manila para ipanawagan ang kanilang hinaing sa pamahalaan ngayong Labor Day, gaya ng wakasan ang contractualization at pagtaas ng suweldo.
Ang pulisy ay itinalaga para sa civil disturbance management, anti-criminality intervention, counter-terrorism, traffic management at emergency response team, na magsasagawa ng monitoring sa bawat nagaganap sa naturang pagdiriwang.
“We are not the enemies of the rallyists. I assure that the NCRPO is always ready to secure the public from any eventuality as well as guarantee that your police force will deal with those who will conduct rallies with maximum tolerance and outmost respect for human rights. Consequently, I would like to remind the public regarding the ‘no permit, no rally’ policy except for freedom parks. Protesters must follow existing laws and ordinances to ensure the successful conduct of this event,” paglilinaw ni Eleazar.
Umapela ang NCRPO Chief, sa publiko na maging alerto at maging mapagmatyag laban sa masasamang elemento na posibleng magsamantala sa naturang pagdiriwang. (JG)