SANHI ng mga hindi inaasahang paggambala sa operasyon, nakaranas ang mga pasahero ng Cebu Pacific ng extended delays at kanselasyon sa mga flights.
Dahil dito, humihingi ng paumanhin ang Cebu Pacific sa abalang idinulot nito sa kanilang mga pasahero.
Sa kabila nito, sinikap ng airlines na mabawasan ang mga hindi inaasahang abala sa mga pasahero nitong nakaraang linggo.
Napag-alaman din kinakailangan bawasan ang mga flight upang maiwasan ang karagdagang abalang maaaring idulot ng kasalukuyang sitwasyon sa operasyon ng Cebu Pacific.
Upang lumuwag ang schedule ng kanilang operational recovery at mabawasan ang rolling delays, kinakailangan makansela ang mga sumusunod na flight ng Pacific at Cebgo sa mga petsang 28, 29 at 30 Abril 2019:
28 Abril (Linggo)
5J325/5J326 Manila-Legazpi-Manila
5J655/5J656 Manila-Tacloban-Manila
5J979/5J980 Manila-Davao-Manila
5J471/5J472 Manila-Bacolod-Manila
5J861/5J862 Manila-Zamboanga-Manila
5J467/5J468 Manila-Iloilo-Manila
5J631/5J632 Manila-Dumaguete-Manila
5J395/5J396 Manila-Cagayan de Oro
(Laguindingan)-Manila
29 Abril (Lunes)
DG6657 Cebu-Zamboanga
DG6989 Zamboanga-Tawi-Tawi
DG6990 Tawi-Tawi-Zamboanga
DG6658 Zamboanga-Cebu
5J791/5J792 Manila-Butuan-Manila
5J705/5J706 Manila-Dipolog-Manila
DG6503/DG6504 Manila-Cebu-Manila
5J991/5J992 Manila-General Santos-Manila
5J641/5J642 Manila-Puerto Princesa-Manila
30 Abril (Martes)
DG6416/DG6417 Cebu-Iloilo-Cebu
DG6573/DG6574 Cebu-Tacloban-Cebu
DG6603/DG6604 Cebu-Dipolog-Cebu
5J781/5J782 Manila-Ozamiz-Manila
5J551/5J552 Manila-Cebu-Manila
5J373/5J374 Manila-Roxas-Manila
5J513/5J514 Manila-San Jose-Manila
Makatutulong ang mga nabanggit na flight cancellations sa pag-stabilize ng flight timings, pagpapabuti ng on time performance, at maiwasan ang abala sa mga pasahero.
Kagaya ng mga naunang kanselasyon, ang mga sumusunod ang maaaring gawin ng mga apektadong pasahero:
- Libreng pag-rebook ng flight na maaaring hanggang 30 araw mula sa orihinal na original departure date.
- Makakuha ng full refund.
- Ilagay ang buong halaga ng ticket sa Travel Fund ng pasahero
- Ma-re-route patungo o mula sa ibang paliparan na maaaring gamitin 30 araw mukla sa orihinal na departure date at kung may bakanteng seat sa napiling flight.
Bukod sa mga nabanggit, makatatanggap ang mga pasahero ng mga kanseladong flight ng one round-trip travel voucher na maaari nialng magamit sa mga susunod nilang biyahe.
Para sa mga pasaherong nais mag-rebook, magpa-refund, o ilagay ang halaga ng ticket sa Travel Fund, maaari silang magpunta sa “Manage Booking” section ng Cebu Pacific website (https://bit.ly/CEBmanageflight).
Maglalabas din ang Cebu Pacific ng listahan ng flight na makakansela kung magkakaroon pa.
Dagdag ng airlines, gagawin nila ang lahat ng paraan upang maabisohan nang maaga ang mga pasaherong maaapektuhan ng kanselasyon na ipadadala sa kanilang mga email address at mobile numbers na kanilang ibinigay nang magpa-book ng kanilang flight.
Sa pamamagitan nito, hindi na kailangang magtungo ng mga pasaherong may kanseladong flight sa paliparan at magagamit nila ang self-management feature ng website ng airlines.
Gayonpaman, patuloy na nakikiisa ang Cebu Pacific sa airport authorities, regulatory agencies at iba pang stakeholders upang maging mas kasiya-siya ang serbisyong kanilang inihahatid sa mga pasahero.