Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lolit, Cristy at Ogie mga pasimuno sa panganganak umano ni Julia Montes (Coco Martin may karapatan sa pananahimik)

HUGAS-KAMAY si Lolit Solis, sa pinasabog nilang balita ni Manang Cristy Fermin na kanilang pinik-ap sa blind item ni Ogie Diaz tungkol sa panganganak raw ni Julia Montes sa Delos Santos Medical Hospital.

Porke nag-post na si Coco Martin sa Instagram na wala siyang ginagawang masama at hindi kabaklaan o kaduwagan ang kanyang pananahimik, kunwari ay kampi kay Coco ngayon itong si Lolita na kanya kunong ipinagtatanggol na dapat ay respetohin naman daw ang privacy ng favorite actor niya.

Paborito mo pala e, bakit kinaladkad sa eskandalo ng co-host mong si Manang Cristy sa inyong Facebook live show. Dito naman kay Ogie ano bang atraso sa iyo ni Coco? Saka bakit ba itong mga netizen ay panay ang dikdik kay Coco na pilit nilang pinaamin ang actor-director ng “FPJ’s Ang Probinsyano” na siya ang ama ng isinilang daw na sanggol ni Julia.

Hindi ba dapat ay si Julia ang magsalita ng tungkol sa nasabing usapin. Ibig sabihin puwedeng ‘fake news’ ang balita kaya deadma rin si Julia, na sabi ay kasaluluyang nasa Germany pa rin kapiling ang kanyang German father roon.

Kaya may karapatan nga naman si Coco sa kanyang pananahimik, ang importante wala siyang tinatapakan at inaagrabyado!

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …