Thursday , June 4 2026

Jessa Laurel nakapag-perform sa Wales, United Kingdom

BUKOD sa pagiging bronze medallist sa WCOPA ay nakapag-perform pala noon ang alaga naming si Jessa Laurel sa Wales, United Kingdom para sa Choral Grand Finals na siya at ang kanyang choir group na Coro San Benildo Choir of the World Category ang naging pambato ng kanilang university na Dela Salle College of St. Benilde.

At may solo performance dito si Jessa na kinanta ang “Padayon” ng idolong si Grace Nono at with matching dance pa.

Actually pang-international naman talaga ang boses ng talent namin kaya ‘di malayong in the future ay puwede siyang mapasabak sa international Broadway Musical.

Pero dahil maganda at matangkad ay pasado rin sa teleserye at movies si Jessa. Excited na rin ang newcomer sa kanyang magiging career sa showbiz.

 

Sino sa 40 Dabarkads ang makakapag-uuwi ng brand new Mitsubishi Mirage?

Palaki nang palaki ang premyong ipinamimigay ng Eat Bulaga sa kanilang “Mag-comment Na!”

Yes isang brand new Mitsubishi Mirage G4 GLX1.2 CVT ang puwe­deng maiuwi ng isa sa 40 Dabarkads na pasok sa pakon­tes na ito sa Official Facebook Fanpage ng EB. Hindi lang ang home­viewers ang kasali na mapa­pabilang sa 40 Dabarkads gayon­din ang studio audience na mati­yagang pumipila araw-araw sa APT Studio.

Last Wed­nesday ay dala­wang studio audience ang naka­sama rito. Napakadali lang sumali sa “Mag­comment Na!” Mag-selfie sa tabi ng TV hawak ang padala ng mga Dabarkads sa takbuhan at i-comment na rin kung ilang taon na kayo sa post maging ang tamang code at sagot para sa chance na makapagbukas ng Mitsubishi Mirage G4.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …