Wednesday , December 25 2024
DUMALO si dating Manila Mayor Alfredo S. Lim sa pulong-ugnayan kasama ang mga miyembro ng Muslim community sa ika-anim na distrito ng Maynila, kasama ang kanyang mga kandidato sa pagka-konsehal sa sixth district, na sina Raffy Jimenes (kaliwa ni Lim) at Angel Agub (kanan ni Lim). 

Fact checking sa candidates kailangan — Mayor Lim

HINIMOK ng nagbabalik na alkalde ng Maynila, Alfredo S. Lim ang mga botante sa lungsod na magsagawa ng masusing ‘fact-checking’ o pag-alam sa pagkatao ng lahat ng kandidato upang makagawa ng matalinong desisyon, kasabay ng paghayag ng suporta sa mensahe ni President Rodrigo Duterte na ‘you are what you vote (for).’

Binigyang-diin ni Lim na gaya ni Duterte, siya man ay naniniwala na ‘kung ano ang binoboto mo ay ganoon ka rin o ang pagkatao mo.’

Sa isang pulong-ugnayan sa mga miyembro ng Muslim community sa ika-anim na distrito ng Maynila, nanawagan din si Lim sa mga residente na gamitin ang impormasyon na napakadaling makuha mula sa Internet upang pag-aralan ang karakter o pagkatao ng mga kandidato na humihingi ng kanilang boto.

Kasama ni Lim sa nasabing ugnayan ang kanyang mga kandidato bilang konsehal sa ikaanim na distrito na sina Raffy Jimenez at Angel Agub.

Sa kaso ng mga tumatakbo sa lokal na halalan sa Maynila, sinabi ni Lim na sa isang ‘click’ lang sa computer o cellphone ay madali nang makikita ng mga botante ang track record ng lahat ng kandidato mula sa pagka-alkalde hanggang sa mga congressman at councilors.

Madali na rin umanong makita o makaliskisan kung ang isang kandidato ay tumatakbo para lang makapagnakaw sa kaban ng lungsod o para gamitin ang kanyang inaasam na posisyon para magpayaman.

Gayondin, maari rin bisitahin ng mga botante kung ano-ano ang mga nagawang kabutihan ng isang kandidato para sa kapakanan ng lungsod ng Maynila.

Ani Lim, nasa kamay  ng mga botante ang kapangyarihan upang baguhin o ayusin ang kanilang kinabukasan, sa pamamagitan ng pagluluklok sa kapangyarihan ng mga taong karapat-dapat at may taglay na kakayahan at konsensiya upang gawin ang tama at makatutulong sa mga taga-lungsod, lalo sa mahihirap o kapos sa buhay.

Tama umano ang sinabi ni Presidente Duterte na ang uri ng pagkatao ng isang botante ay makikita sa uri ng kandidatong ibinoboto nila.

‘Pag gusto ng magnanakaw, malamang e mahilig din magnakaw ‘yung botante. Ganoon lang ‘yun,’ pahayag ni Lim.

Sinabi naman ng chief of staff ni Lim na si Ric de Guzman sa kaso ni Lim ay ni hindi na kailangan pang manaliksik dahil solido ang pruweba pagdating sa kanyang mga ginawa.

Bukod sa kanyang ‘womb-to-tomb’ program na inilunsad sa unang pag-upo niya bilang mayor noong 1992 at lahat ng uri ng libreng serbisyo ay ibinibigay ng lungsod mula sa pagbubun­tis hanggang sa kamatayan, naipatayo rin ni Lim ang limang pampublikong ospital na nagbibigay ng libreng gamutan, hospitalization at medisina, bilang dagdag sa inabutan niyang nag-iisang Ospital ng Maynila kung kaya’t bawat isa sa anim na distrito ng Maynila ay may tig-iisang ospital ngayon.

Itinatag din ni Lim ang City College of Manila (ngayon ay Universidad de Manila) na nagbibigay ng libreng college education para sa mga ordinaryong mag-aaral at bilang karagdagan sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila na para naman sa mga honor students mula sa public high schools.

Bukod diyan, sinabi ni De Guzman, naitayo rin sa panahon ni Lim ang 485 libreng day care centers; 97 bagong buildings para sa public elementary at high school;  59 barangay health centers na nagbibigay ng libreng gamot at treatment ng mga minor na sakit; 12 lying-in clinics na libreng paanakan para sa mga buntis na kapos sa budget; 132 bagong-gawang kalsada; mga libreng playground at sports complex at centralized disaster evacuation centers sa Tondo at Baseco.

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *