Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dawn Zulueta gagawa ng proyekto sa GMA Films ka-partner si Michael V (Goodbye Kapamilya na nga ba?)

WE heard, sa kaniyang pagbabalik-pelikula sa magiging active na uling GMA Films ay si Dawn Zulueta ang type na maging leading lady ni Michael V.

At hindi lang artista rito si Michael kundi siya rin ang scriptwriter at director ng film nila ni Dawn na habang isinusulat natin ang kolum na ito ay wala pang kompirmasyon kung tinanggap na ng actress ang alok sa kanya ng GMA Films?

Well kapag natuloy dito si Dawn, first time nilang mag­sasa­ma sa isang project ni Michael pero hindi na maninibago ang multi-awarded actress lalo’t ilang comedy films na ang kanyang na­ga­wa at isa rito ang dalawang be­ses nilang pinag­tambalan ni Bossing Vic Sotto.

Saka malaki ang possiblity na mag-hit ang Dawn and Michael tan­dem lalo’t mahu­say si Michael pag­dating sa pang-i-spoof na tulad ng ating napapanood sa weekly gag show nilang Bubble Gang sa Kapuso network.

 

“I Love You” ng Indie actor-singer na si Khristian Michael Villanueva nagpapasaya sa araw ni Dovie San Andres

Mahigit isang taon na ang closeness ng controversial per­sonality sa social media na si Dovie San Andres at sa indie actor-singer-model na si Khristian Michael Villanueva. Ang cute ng love story ng dalawa na nagsimula lang nang mapanood ni Dovie ang lumang indie movie ni Khristian na “Hubog” na isa sa mga bida ang guwapong aktor.

Matapos masilayan si Khristian ay hindi na siya matanggal sa isipan ni Dovie, hanggang isang araw ay bigla na lang nasorpresa si Dovie at komontak sa kanya si Khristian sa kanyang Face­book account. Magmula noon ay madalas nang magka-chat ang dalawa hanggang maging close at nagkita dito sa Filipi­nas nang magbakasyon si Dovie last year.

Very memorable sa Bff naming perso­nalidad ang singsing na ibinigay sa kanya ni Khristian na may nakaukit na mukha ni Mama Mary, na para kay Dovie ay gusto siyang pro­tek­siyonan dahil na-in love nga raw sa kanya.

Yes, huwag magtataas ng kilay talagang personal ay nagtapat si Khristian ng kanyang totoong nararamdaman kay Dovie na mahal niya pero dahil sa agwat ng edad nila ay hindi agad pinaniwalaan ng huli.

Pero last January 29, naka­tanggap ng chat si Dovie mula kay Khristian na nami-miss daw siya ng actor at muli ay sinabihan siyang mahal siya nito maniwala man o hindi? Agad raw niyang (Dovie) sinagot na mahal rin niya at siya lang ang nag-iisang lalaki sa buhay niya.

Nang tanungin namin si Dovie, paano kung yaya­yain siyang paka­sal ni Khristian, ma­bilis niyang tugon ay oo paka­kasalan niya ang actor at gusto niyang makasama habambuhay.

“Marami akong failed relation­ship at kay Michael ko naram­daman ‘yung sina­sabing true love. I admit na madalas ay away-bati kami pero lately maayos na kami at papunta na kami sa ma­gandang rela­syon na pareho naming napapasaya ang isa’t isa.

Basta always akong nandi­dito to love and support him at may humadlang man ay patuloy kong mamahalin si Michael,” pahayag ng inlavey na si Dovie.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …